Binalasa: Total revamp ng Bureau of Immigration personnel sa NAIA ipinatupad dahil sa “Pastillas”

  • Balasahan ng BI personnel sa NAIA, ipinatupad
  • Aabot sa 800 kawani ng kagawaran ang apektado ng total revamp
  • Ang balasahan ay kaugnay ng nabunyag na “Pastillas” bribery scheme sa NAIA

Ipinatupad ng Bureau of Immigration (BI) ang total revamp ng mga kawani nito na nakatalaga sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng pagkakabunyag sa tinatawag na “Pastillas” bribery scheme.

Imahe mula sa PNA

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang ginawang hakbang ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong makumpirma ang raket.

Aniya, sakop ng ginawang balasahan ang lahat ng BI personnel na nakatalaga sa NAIA Terminal 1,2, at 3, kabilang ang deputy port operations chief hanggang sa mga counter personnel. Tinatayang aabot sa 800 kawani ang apektado na revamp.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, ang mag apektadong kawani ay inilipat ng terminal at shift.

“Total revamp, pinagpapalitan natin lahat even ‘yung mga counter personnel. We shook up the system… Para mabasag po kung mayroon mang collusion of any employees sa ating airports,” ani Sandoval.

Sinabi pa ni Sandoval na 19 immigration officers ang tinanggal na sa puwesto at nahaharap sa mga kasong administratibo at tinanggalan na ng mga pribilehiyo. Posible pa silang masampahan ng criminal cases sa oras na matapos ng fact-finding committee ang report nito na inaasahan sa 2nd week ng Marso.

Screenshot ng BI statement

Ang “Pastillas” bribery scheme kung saan ang mga tiwaling BI personnel ay tumatanggap ng suhol mula sa mga Chinese nationals na nais makapasok ng bansa nang hindi na dadaan sa tamang immigration process ay ibinunyag ng immigration officer na si Allison Ciong.

Sa isang Senate hearing, ibinunyag ni Chiong na halos 90% ng BI personnel ay sangkot sa katiwalian sa NAIA. Isinailalim na si Chiong sa Witness Protection Program ng pamahalan upang masiguro ang kanyang kaligtasan.

Imahe mula kay Sen. Risa Hontiveros

Loading…