Biritera din pala: Video ni Lea Salonga na minani ang pagkanta ng ‘Alone;’ trending sa social media

  • Trending ngayon sa social media ang video ni Lea Salonga na ibinibirit ang isang karaoke favorite
  • Sitting pretty lang ang Broadway diva habang kinakanta ang Alone ng bandang Heart
  • Umani agad ng milyong views ang performance na ito ni Lea sa kaarawan ng kanyang kaibigang si Nyoy Volante

Isa si Lea Salonga sa mga tinitingalang tinig na mula sa Pilipinas. Ang kanyang husay sa pag-awit ay hinangaan hindi lamang sa ating bansa ngunit maging sa buong mundo na rin. Bumida siya sa ilang sikat na musical play tulad ng Miss Saigon at Les Miserable at naging tinig pa ng ilang Disney princess movies.

Sanay na ang mga Pilipino na marinig ang mala-anghel na tinig ni Lea. Ngunit ngayong 2020, tila pinasiklaban ng international Broadway diva ang netizens dahil trending ngayon ang video niya na chill na chill na kinakanta ang Alone ng bandang Heart.

Larawan mula sa video ni Marga Aquino

Sa in-upload na video ng Facebook page na Lea Salonga- Team Lea na orihinal na kuha ni Marga Aquino, makikita ang jamming ni Lea at ang banda sa ginawang birthday celebration ng kaibigan at kasama sa teatro na si Nyoy Volante. Halatang hindi handa ang singer sa kanyang naging performance dahil tinitingnan pa nito ang lyrics sa kanyang cellphone.

Gayunman, ang chill lang sa pagkakaupong si Lea ay hindi binigo ang mga tao sa venue maging ang mga netizens. Kahit prente sa kanyang pagkakaupo ay nakanta nito ang Alone at naibirit na animo’y nilalaro lang ang kanta.

Dahil sa husay ni Lea, agad na nag-viral sa social media ang kanyang pag-awit na katuwaan lamang. Umabot sa mahigit 1.7 million views ang video kasama pa ang halos 40,000 reactions, 1,000 comments, at 5,100 shares.

Maraming nagkomento at sinabing ang malumanay at malinaw na pag-awit ni Lea ay hindi pala ang natatangi niyang talento. Kayang-kaya rin niyang makipagsabayan sa mga kilalang biretera sa bansa na lalong nagpamangha sa maraming Pilipino online.

I-click ang larawan para mapanood ang video ni Marga Aquino

“She has an amazing voice. Not only with clear diction but with a biretera level of voice. I know her as a talented person but her belting prowess amazed me. Indeed our one and only Lea Salonga, ladies and gentlemen,” pahayag ng isang netizen.

Sa kasalukuyan, mapapanood si Lea sa pinakabagong edisyon ng The Voice Teens sa ABS-CBN. Reunited siya sa original coaches ng show na sina Sarah Geronimo, Bamboo, at Apl de Ap.

Panoorin ang pagbirit ni Lea sa all-time karaoke favorite na Alone:

Lea Salonga effortlessly singing Alone!!! We are stanning a queen! ???Video credits: Marga Aquino

Posted by Lea Salonga-Team Lea on Sunday, January 26, 2020

 

Source :

Facebook, YouTube

Loading…