Bise Presidente ng Iran positibo sa COVID-19

  • Vice President ng Iran na si Masoumeh Ebtekar tinamaan ng COVID-19
  • Kasalukuyang nasa ilalim ng home quarantine ang bise presidente
  • Si Ebtekar ay isa sa 7 government officials ng Iran na may COVID-19 infection

Ang isa sa apat na Bise Presidente ng Iran ay nagpositibo sa new coronavirus (COVID-19). Kabilang ito sa 7 Iranian government officials na dinapuan ng virus.

Screenshot mula sa video ng CGTN

Si Iranian Vice President for Women’s Affairs na si Masoumeh Ebtekar, ang babaeng may pinakamataas na katungkulan sa Iran, ay kumpirmadong may COVID-19 infection at kasalukuyang sumasailalim sa home quarantine.

Ang kumpirmasyon ay ginawa isang araw matapos ang Cabinet meeting kung saan nakahalubilo niya ang maraming government leaders kabilang na ang Iranian President na si Hassan Rouhani. Sa isang litratong kuha sa nasabing meeting, makikita ang bise presidente na ilang dipa lang ang distansya mula kay Rouhani.

Bukod kay Ebtekar, ang deputy health minister ng Iran na si Iraj Harirchi ay dinapuan din ng COVID-19. Inamin din ng national security and foreign affairs committee head ng Iranian Parliament na si Mojtaba Zolnour na naka-self quarantine siya matapos magpositibo sa coronavirus.

Ayon sa Health Ministry ng Iran ay umabot na sa 245 ang kumpirmadong kaso ng COVID-109 sa bansa, kabilang na ang 26 na sinawim-palad.

Imahe mula sa Al Jazeera

Subalit, sa pagtataya ng mga eksperto ay posibleng mas marami pa umano ang bilang ng mga kaso ng virus sa bansa kaysa sa ulat ng health ministry.

Kinansela na sa Tehran at sa lahat ng panig ng Iran ang Friday prayers matapos sumirit ang bilang ng mga naapektuhan ng COVID-19.  Pansamantala ring ipinagbawal ang pagpasok ng mga Chinese nationals sa bansa.

Maging ang pagbisita ng mga foreign pilgrims sa holy sites ng Iran ay pansamantala na ring ipinagbabawal upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Imahe mula sa Khaleej Times

Loading…