‘Black Barbie’ Miss Biliran Skelly Ivy Florida sa pagsali sa MUP: “I want to promote Biliran in the national arena”

  • Para daw sa kanyang hometown na Biliran ang laban ng early favorite Miss Universe Philippines candidate na si Skelly Ivy Florida
  • Gusto niya raw ipakilala ang Biliran sa buong bansa at itayo ang bandera ng mga morenang tulad niya
  • Game na rin daw ang graduating tourism student at volleyball player na si Skelly para sa hamon ng MUP Pageant

Viral ngayon sa Facebook ang tinaguriang ‘Black Barbie’ na si Skelly Ivy Florida na mula sa Biliran.

Isa siya sa 52 kandidata ng kauna-unahang solo Miss Universe Philippines pageant at naging isa sa early favorites dahil sa kanyang angking natural na gandang Filipina.

Ngayong nalalapit na ang Miss Universe pageant at malaki ang tsansa ni Skelly na tanghaling susunod na Miss Universe Philippines, interesado ang marami kung sino ba ang morena beauty mula sa Biliran.

Sa isang YouTube video, inilahad ni Ivy ang kanyang adbokasiya at kaunting salaysay ng kanyang buhay bilang isang aspiring beauty queen.

Larawan mula sa Instagram account ni Skelly Ivy Florida

Isang graduating tourism student si Skelly mula sa Biliran Province State University. Siya rin ay 20 anyos lamang at isa na ring beterana sa local at school pageants. Nagkamit na siya ng korona sa kanilang rehiyon bilang Ms. PASUC Region VIII noong 2017, Ms. PASUC 2017 third runner up, at Ms. State College and University Athletic Association (SCUAA) 2018 1st runner up.

Bagama’t ito ang kanyang unang national pageant, buo ang loob ni Skelly na itayo ang bandera ng kanyang lalawigan na Biliran. Sa katunayan, isa nga ito sa kanyang layunin kung bakit sumali sa Miss World Philippines pageant.

Ayon kay Skelly, gusto naman niyang isabak sa national arena ang Biliran dahil sa kanilang rehiyong Eastern Visayas, ang bukambibig lamang daw ng mga Pilipino ay Samar at Leyte. Suportado naman daw siya ng kanyang unibersidad at lalawigan sa journey niya bilang isang national beauty queen.

Pahayag din ng 5’6 morena beauty na isa ring volleyball player, na isa sa mga idol niya ay ang pinakabagong Miss Universe na si Zozibini Tunzi. Hanga raw siya sa confidence nito na ipakita ang kagandahan ng mga brown-skinned girls sa mundo.

Larawan mula sa Instagram account ni Skelly Ivy Florida

Ito rin daw ang adbokasiya na gustong ipakita ni Skelly sa kanyang pagsali sa Miss Universe Philippines. Minsan na raw siyang namaliit dahil sa kanyang kulay at anyo ngunit sa kanyang paglabas sa national pageant ay agad na niyang naitaas ang pangalan ng mga morena.

Flattered rin siya na inahahalintulad siya sa isang black Barbie. Lalo raw siyang ginaganahan at nagiging inspirado kapag kinukumpara siya sa ganda ni dating Miss Universe Gloria Diaz. Pinaghahandaan daw ngayon ni Skelly ang kanyang paraan ng pagrampa para lalo itong tumatak sa mga manonood.

Panoorin ang panayam ng isang vlogger – byxbuzz – kay Skelly via YouTube:

Loading…