Blogger, ibinahagi ang kaniyang sailor moon-inspired outfits na nagmula sa ukay-ukay

  • Viral sa social media ang sailor moon-inspired look ng blogger na kinilalang si Jean Dalida
  • Sa galing nito sa pagdadala ng iba’t ibang istilo ng damit, hindi aakalain na nagmula ang mga iyon sa ukay-ukay
  • Marami namang netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa panggagaya ng blogger sa pananamit ng anime characters mula sa Sailor Moon

Pinatunayan ng isang netizen na hindi naman kinakailangang gumastos nang malaki para magaya ang pananamit ng kaniyang mga iniidolo.

Imahe mula sa Facebook page na Skinniest Jean

Sa Facebook noong February 25, ibinahagi ni Jean Dalida ang kaniyang mga larawan suot ang iba’t ibang istilo ng damit na noo’y nakikita niya  lang sa telebisyon mula sa anime series na Sailor Moon.

‘I’ve been a huge fan of Sailor Moon — and their 80s to 90s fashion,” pahayag ng blogger sa kaniyang post sa Facebook page na tinawag niyang Skinniest Jean.

“We may never wield the Moon Stick or the Silver Crystal, but you know what we can do? Look fly as hell in their fashion taste and aesthetic!” dagdag nito.

Makikita sa mga larawan na kaniyang in-upload ang pagsuot nito sa kaparehong kaswal na damit ng iba’t ibang karakter mula sa sikat na 90’s anime.

Kabilang sa kaniyang mga pinaggayahan ng suot ay sina Sailoor Moon, Sailor Mars, Sailor Jupiter, Molly Baker, Sailor Venus, Sailor Pluto, at maging ang suot ni Mamaru Chiba o mas kilala bilang si Tuxedo Mask.

Sa galing ng netizen sa pagdadala ng iba’t ibang istilo ng damit, hindi aakalain na nagmula ang mga iyon sa ukay-ukay.

Marami namang netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa blogger dahil maliban sa galing nitong pumili ng damit ay mura niya ring nabili ang mga iyon.

Imahe mula sa Facebook page na Skinniest Jean

Nakalagay mismo sa bawat larawan na in-upload nito ang presyo ng mga ginamit niya sa kaniyang Sailor moon-inspired outfits.

Nakuha niya ang ilan sa mga iyon sa pinakamababang halaga na P10 hanggang sa pinakamahal na P309.

Source :

Facebook, Youtube

Loading…