Bongbong Marcos naglaro ng video games sa kanyang vlog; netizens sinariwa ang pag-ban ng ama niya sa mga larong ito noon

  • Sinubukan ni dating Senador Bongbong Marcos ang maglaro ng mobile games
  • Inalam niya ang malaking pagbabago ng video gaming noon at ngayon
  • Naalala naman ng ilang netizens ang pagbabawal ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa mga video/ arcade games

Malaking bahagi ng paglilibang ng mga kabataan at mga feeling bagets ngayon ang mga mobile at video games. Dahil sa pagyabong ng teknolohiya, lalong naging exciting at masayang laruin ang mga digital games na maaari na ngayong malaro kasama ang mas maraming kaibigan.

Kaya naman sa latest vlog ng dating senador na si Bongbong Marcos, sinubukan niyang maging ‘epic’ at gamer. Nilaro lang naman niya ang sikat na multiplayer mobile game na Mobile Legends.  Ito ay kaugnay ng pagsulpot ng balitang may dine-develop daw na curriculum tungkol sa mobile gaming.

Larawan mula sa YouTube video ni Bongbong Marcos

Sa umpisa ng kanyang video, nagbigay si Bongbong ng kanyang alaala sa paglalaro ng mga video games at iba’t ibang game consoles. Binigyang pansin niya ang pagbabago ng mga video gaming platforms na ngayon daw ay maaari nang malaro saanman, kailanman.

“Who can still remember Space Invaders and the days when games were played in arcades? In just one lifetime, gaming technology has advanced so rapidly—now it’s literally at the tip of our fingers!” sabi ng dating vice presidential candidate sa kanyang vlog.

Kasama ang dalawang mobile gamers na sina Arron at Antonette, nilaro ni Bongbong ang Mobile Legends at sinubukan ang pinakasikat na laro ngayon gamit ang kanyang mobile device. Mukhang nag-enjoy naman ang dating senador at ilang beses na napahalakhak habang naglalaro.

Nagkaroon din sila ng panayam kasama ang dalawang mobile gamer guests kung saan nalaman ni Bongbong na maliban sa pagiging libangan ay isa na rin itong uri ng pagkakakitaan ng marami ngayon. Sa pamamagitan kasi ng social media at mga tournaments, nagkakaroon ng pera ang mga manlalaro ngayon.

Larawan mula sa YouTube video ni Bongbong Marcos

Kung si Bongbong ay nag-enjoy at maraming natutuhan sa paglalaro ng video game, ang mga netizens naman ay naalala ang pag-ban ng ama at dating Pangulong Ferdinand Marcos sa mga video game.

Sa katunayan, isang Twitter account pa nga ang nag-tag kay Bongbong ng larawan ng news clip na nagpapakita ng pag-ban ng dating pangulo sa mga video games.

Ipinagbawal ng nakatatandang Marcos ang mga video games noon dahil hindi raw ito magandang ehemplo sa mga kabataan at sinumang naglalaro nito. Ipinag-utos pa niya ang pagsuko ng mga video arcade sa mga militar noon.

Panoorin ang paglalaro ni dating senador Bongbong ng mobile games:

Loading…