Boy Abunda, emosyonal sa franchise issue ng ABS-CBN

Imahe mula sa Instagram | TWBA
  • Emosyonal na ibinahagi ni Boy Abunda ang personal na dahilan kung bakit hindi dapat ipasara ang ABS-CBN
  • Ayon sa kaniya, naging mahalaga ang network para sa ina niyang namayapa na dahil kapag nakikita raw ng ina ang ABS-CBN ay alam niyang naroon ang kaniyang anak
  • Lunes nang isumite ni Solicitor General Jose Calida ang quo warranto petition na naglalayong mapawalang-bisa ang prangkisa ng network

Naging emosyonal ang ABS-CBN host na si Boy Abunda nang magbahagi ng kaniyang opinyon tungkol sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema.

Imahe mula sa ABS-CBN

Binasa ni Abunda ang bahagi ng pahayag ng ABS-CBN kung saan sinabi nilang wala silang nilalabag na batas.

“We did not vi0late the law. This case appears to be an attempt to deprive Filipinos of the services of ABS-CBN,” ayon sa kanilang pahayag.

Samantala, si Abunda naman ay nagbahagi ng personal na pananaw tungkol dito. Paliwanag niya, mahalaga para sa kaniya ang network na ito kung saan mahigit dalawang dekada na siyang nagtatrabaho dahil sa alaala ng kaniyang ina na namayapa noong Disyembre 2019.

“I am saying this for the first time. Forgive my emotions, I have not talked about this,” panimula niya. “Noon, kapag tinatanong ako ng Nanay ko kapag binabanggit ang problema ng prangkisa ng ABS-CBN, I have worked here for over 20 years, sinasabi ng nanay sana ‘wag ipasara ang ABS-CBN kasi kapag wala ka sa bahay, ito ang kasama ko alam ko nariyan ka.”

Imahe mula sa Wikipedia

Alam niya raw na walang legal na bilang ang kaniyang personal na opinyon ngunit nais niya lamang daw iparating kung gaano kahalaga para sa kaniya ang network.

“I know this is not legal, this is not official, and this is very personal. Para sa aking ina, ‘pag nakikita niya ang ABS-CBN, alam niya na nariyan ako, safe ako, nagtatrabaho ako, at uuwi ako sa kaniya. Maraming salamat po.”

Lunes nang personal na isumite ni Calida ang “Very Urgent Omnibus Motion” na tumatawag sa Supreme Court na isawalang bisa ang prangkisa ng ABS-CBN at ABS-CBN Convergence dahil umano sa paglabag nila sa kanilang legislative franchises.

Source :

ABS-CBN

Loading…