Cai Cortez sa pagiging mommy: “We have to remind ourselves and our mommy friends that we are enough”

  • May mensahe ang komedyanang si Cai Cortez sa mga nakararamdam ng mom guilt
  • Ayon sa kanya, anuman daw ang pinili ng mga nanay, magtrabaho o manatili sa bahay, ay ayos lang daw ito
  • Ang mahalaga raw ay ginagawa ng mga nanay ang lahat para sa kanilang pamilya at sapat na raw ito

Nakilala ang anak ng character actor na si Rez Cortez na si Cai Cortez bilang isang komedyante. Madalas mang support lang role sa telebisyon at pelikula, lagi naman niyang nabibigyan ng ngiti ang mga manonood dahil sa kanyang mahusay na pagganap.

At ngayong isang ganap nang ina, mas marami ang humanga kay Cai sa pagbibigay niya ng magandang mensahe para sa mga bagay na hinaharap ng mga inang katulad niya.

Sa kanyang Instagram post, nagbigay si Cai ng mensahe tungkol sa konsepto ng mom guilt.

Larawan mula sa Instagram post ni Cai Cortez

Ayon sa aktres, nakararamdam daw siya at ang ibang inang kilala niya ng mom guilt o ang labis na pag-aalala kung nagagampanan ba nila nang tama ang pagiging ina. Madalas daw kasi, kapag hindi nagtatrabaho ang isang ina, nararamdaman nitong hindi siya nakapagbibigay ng pangangailangang pinansyal sa pamilya. Kapag naman daw nagtatrabaho ito, nakahihinayang din na iwan sila sa ibang tao para alagaan ang mga ito.

“The daily plight of a mommy. Mom guilt. Pag sa bahay ka lang, nakakaguilty na hindi ka makapag provide financially. Pag nagwo-work ka naman, nakakaguilty na iiwan mo sila sa kamay ng ibang tao,” bungad ni Cai.

Sabi pa ng komedyana, kahit naman daw hindi perpekto ang mga ina, anuman daw ang tahaking landas ng mga ito, dapat daw malaman ng bawat isa na sapat ang iyong pagiging nanay basta ginagawa mo ang lahat para sa kabutihan ng mga anak mo.

Larawan mula sa Instagram post ni Cai Cortez

“Mom guilt is real. That’s why we have to remind ourselves and our mommy friends that we are enough. Pinili ka ni God na maging mommy ng baby mo. Alam niya na dadaan ka sa pagsub0k at magkakamali but you are enough. You are more than enough,” pagpapatuloy ng 31 anyos na si Cai.

Marami naman ang naka-relate at natuwa sa post na ito ni Cai. Marami ang naka-relate sa mensaheng ipinabatid niya at nagpasalamat dahil marami silang natutuhan sa simpleng Instagram post niya. Ilan sa mga napakomento ay ang reporter at manunulat na si MJ Marfori at ang isa pang komedyante at aktres na si Arlene Muhlach.

Loading…