Canadian vlogger itinampok ang isang beach sa Hilagang Cebu

  • Itinampok ni Canadian vlogger Kyle Jennerman ang napakagandang beach sa Tabuelan sa Hilagang Cebu
  • Kasama niya sa kaniyang mga larawan ang kaniyang team na “Fighter Boys”
  • Paalala niya sa mga turista na bagama’t magandang pasyalan ang beach na ito sa Tabuelan, kailangang igalang ang katahimikan at kapayapaan ng lugar

Maraming magagandang tanawin ang Pilipinas na tunay na maipagmamalaki sa buong mundo. Talaga namang dinarayo ng mga turista ang mga kilalang tourist attraction sa bansa, lalo na ang mga beach. Patuloy na dinarayo ang isla ng Boracay, Puerto Galera, Siargao, at marami pang iba.

Kaya naman, itinampok ng “pusong Pinoy” na Canadian vlogger na si Kyle “Kulas” Jennerman ang isang napakagandang beach sa bayan ng Tabuelan sa Hilagang Cebu. Ayon sa kaniyang Facebook post, kasama niya ang mga kaibigang “Fighter Boys” sa pagtugaygay sa kagandahan ng beach na ito.

Imahe mula sa Facebook page na BecomingFilipino

Paglalarawan niya, “The sun was setting along the coast. It was peaceful, and the public beach at Maravilla was clean, sandy, and so relaxing. Kids were playing, people were swimming, and the Fighter Boys realized once again, we are on an adventure!”

Ayon kay Kulas, bagama’t magandang pasyalan ang Tabuelan, kailangang igalang ang katahimikan at kapayapaan ng lugar.

“But first, we all had to just stop and take a minute to appreciate another beautiful Philippines sunset. In fact, if you find yourself travelling north in Cebu… Make sure to stop by this public beach (But please respect it). Tabuelan is so peaceful, and we have so much respect for how the locals seem to be looking after it!”

Hindi naman napigilan ng mga netizens na magkomento hinggil dito. Ayon sa isa, “I am missing Cebu with these photos. If you are going to Southern part you are passing by our town in San Fernando Cebu Kulas.”

“Kudos, Kulas. You explore every corner of the Philippines more than us. And you amazingly feature every places you go that even people like us who are far from home wish to be there. Power on!”, saad naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na BecomingFilipino

Komento naman ng isa, “Beautiful white beach, awesome thick sunset, wonderful friendly people as the Fighter Boys are just the right recipe for a fun road trip. Thanks for always respecting the locals and their culture.”

Tamang–tama sa paparating na summer vacation, hindi ba?

Tara na’t silipin ang ganda ng lugar sa mga larawang ibinahagi ni Kulas!

Source :

Facebook

Loading…