Captain phenom: Gilas Pilipinas, ipinakilala ang bagong team captain na si Kiefer Ravena

  • Mayroon nang bagong team captain ang Gilas Pilipinas
  • Ito ay sa katauhan ng 26-anyos na si Kiefer Ravena
  • Una nilang makakaharap ang Thailand sa Pebrero 20

Ngayong 2020, uumpisahan ng national Basketball team ng bansa na Gilas Pilipinas ang panibagong landas at ipakikita ang husay ng Pinoy sa larong basketball sa buong mundo. Nagkaroon ng malaking pagbabago mula sa lineup maging sa coaching staff ng national team na unti-unti ring inilalahad ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Una na rito ay ang pag-aanunsiyo ng bagong head coach ng Gilas na si Mark Dickel. Pangungunahan niya ang unang bahagi ng FIBA Asia Cup Qualifiers 2021. Kasalukuyan siyang coaching consultant para sa TNT KaTropa sa PBA.

Larawan mula sa Instagram account ni Kiefer Ravena

At sa pagpasok ni Dickel sa Gilas, isang bagong pangalan din ang napili niya bilang team captain ng koponan, ang Phenom mula sa Ateneo de Manila University (ADMU) at NLEX Road Warriors na si Kiefer Ravena.

Sabi ni Dickel, bagay daw kay Ravena ang papel bilang team captain dahil sa katangian nitong mahusay sa pakikipag-usap sa kanyang mga teammates sa loob at labas ng court na lubhang makatutulong upang makagalaw nang maayos ang buong Gilas.

“It suits him. He’s talkative, communicative. It’s his turn. I think he’s more than capable of taking that role and doing a great job with it,” pahayag ni Dickel.

Sinabi naman ni Ravena na bagama’t nagulat siya sa desisyon ng kanyang bagong coach, ay handa siyang gawin nang maayos ang kanyang papel bilang team captain at magkaroon ng magandang performance kontra sa Thailand sa darating na Pebrero 20.

Larawan mula sa Instagram account ni Kiefer Ravena

“Of course, I was stunned. I guess it just feels different because there are plenty of players younger than me, a lot of them are billed as future of Philippine basketball. It’s another challenge for me. How to try to make all these stars work together in a span of 10 days,” pahayag ni Ravena.

Sa murang edad na 26, maituturing nang beterano si Ravena sa larong basketball. Itinanghal na siyang MVP ng UAAP at mayroon na ring 5 gold medals mula sa SEA Games. Naging bahagi na rin siya ng Gilas para sa FIBA World noong 2019.

Loading…