Cast ng 90s youth-oriented show na TGIS, nag-reunion sa Eat Bulaga; inilahad ang mga sikreto ng cast sa likod ng camera

  • Nag-reunion sa Eat Bulaga ang cast ng 90s youth-oriented teen show na TGIS
  • Maraming naging rebelasyon ang pitong cast members sa mga nangyari sa likod ng camera
  • Nag-trending naman sa social media ang reunion na ito ng TGIS cast at masaya silang makita ang mga idolo nila noon

Klasiko nang maituturing ang youth-oriented show na umere sa GMA noong 1995 na Thank God It’s Sabado (TGIS). Maraming pangalan sa showbiz ang nakilala dahil sa show na hanggang ngayon ay malaking bahagi pa rin ng industriya.

At sa pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo mula nang magwakas ang show, muling nagsama-sama ang pitong cast members ng TGIS sa noontime show na Eat Bulaga. Sila ang subject sa game segment ng noontime show na ‘Bawal Judgmental.’

Larawan mula sa Instagram account ni Ciara Sotto

Nag-guest sa Eat Bulaga sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Ciara Sotto, Maui Taylor, Michael Flores, Dino Guevarra, at Polo Ravales na game na game namang ibinuko ang ilang facts na hindi alam ng mga fans ng show dahil nangyari ang karamihan sa mga ito sa likod ng camera.

Isa sa mga nailahad ay kailanman ay hindi naging magkasintahan ang lead stars ng TGIS na sina Angelu at Bobby. Kahit marami silang shows at pelikulang napagtambalan, wala raw namuong pagtitinginan sa kanila. Sila raw ay ‘s0ulmates’ bilang magkaibigan kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay may chemistry pa rin ang dalawa.

Sa katunayan, si Angelu pa raw ang naging tulay sa pagmamahalan ni Bobby at asawa nitong si Bienne Co. Si Angelu raw ang nagpakilala kay Bobby sa kanyang misis ngayon na naging OJT sa show nilang TGIS. Matapos daw ang show, muling ipinakilala ni Angelus i Bienne kay Bobby at doon na sila nag-umpisang mag-date.

Isa rin sa mga naging rebelasyon ay ang pagkakaroon ng relasyon nina Michael at Angelu. Kahit hindi sila ang l0ve team, sa kanila may namuong pagtitinginan. Ngunit paglilinaw ng dalawa, naging sila raw sa ibang show bago ang TGIS na Ang TV na ipinalabas naman sa ABS-CBN.

Naging kasintahan din daw ni Angelu ang isa pang TGIS cast member na si Onemig Bondoc. Ngunit katulad ng relasyon noon nina Michael at Angelu, naging sila raw ni Onemig hindi habang ginagawa ang TGIS.

Larawan mula sa Eat Bulaga

Nang maging magkatambal naman sina Ciara at Onemig sa TGIS, naging totoo raw ang kanilang relasyon off cam. Naging sila raw sa loob ng walong buwan. Sabi ni Ciara, naging masugid naman ang panliligaw nito sa kanya.

Naging trending topic naman sa Twitter ang guesting na ito ng TGIS cast. Sigaw ng maraming fans, sana raw ay magkaroon din sila ng reunion project sa telebisyon o pelikula.

Panoorin ang kulitan ng TGIS cast sa Eat Bulaga:

Source :

YouTube, Facebook

Loading…