Chinese national na na-huli cam na dumudura, may iba pa palang kaso

Imahe mula sa Facebook | Daddey Dayao at MPIO
  • Hawak na ng mga awtoridad ang isang Chinese national na nakuhanan ng video na dumudura sa loob ng isang fastfood restaurant
  • Napag-alaman din na may mga itinumba pala siyang motorsiklo, dahilan upang magtamo ng sira ang mga ito
  • Haharap siya sa mga kas0ng alarm and scandal at unjust vexati0n

Inaresto ang isang Chinese national na nag-trending kamakailan dahil sa pagdura niya sa loob ng isang fastfood restaurant.

Imahe mula sa Facebook | MPIO

Kinilala siya bilang si Jinxiong Cai alias Willy Choi, 35 anyos, isang businessman na mula sa mainland China.

Ayon sa Manila Public Information Office, tinugis si Choi sa tulong ng Special Mayor’s Reaction Team. “Inanunsyo ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na inarest0 na ang Chinese national na nag-eskandal0 at dumura sa isang fast food chain sa Masangkay,” sabi nila sa kanilang Facebook page.

Makikita sa video na kumakalat sa social media ang diskusyon sa pagitan nina Choi at ng guard sa fastfood. Makikita rin ang pagdura ni Choi sa sahig. “Eh siyempre, wala ang order namin,” sabi niya. Sinagot naman ito ng guard at sinabihan na maghintay.

Sa ulat ng Philippine Star, sinabing nakuhanan ng CCTV si Choi na may itinulak na mga motorsiklo nang lumabas sa nasabing fastfood restaurant, dahilan upang magtamo ang mga ito ng sira.

Imahe mula sa video ng Stand for Truth via YouTube

Haharap sa mga kas0ng alarm and scandal at unjust vexati0n ang lalaki.

Samantala, ayon sa Stand for Truth, nakipag-ugnayan na raw ang Manila p0lice sa Bureau of Immigration na nangakong iimbestigahan ang kas0.

“We are looking at the particulars of the case, as well as the records of the subject. Siguro po, it’s too early to say anything about the case,” sabi ni Immigration spokesperson Dana Sandoval.

Kapag daw napatunayan na undesirable ang isang foreign national ay maaari siyang ipa-deport at ma-blacklist sa bansa.”

“Undesirable ang isang alien kapag nakakagambala na ito sa isang community, yung stay dito sa Pilipinas ay detrimental na sa public interest. Once proven po na ang foreign national ay undesirable, siya po ay ipapa-deport and at the same time po, iba-blacklist. Meaning, hindi na po natin papayagang bumalik po ng bansa,” paliwanag niya.

Loading…