Clingy: Lalaki ayaw paalisin ang crew na nagbibigay ng unli-rice sa isang kilalang fast food restaurant

  • Trending sa social media ang larawan ng lalaking ‘clingy’ sa crew ng isang fast food resto
  • Ayaw niya kasi itong paalisin dahil ito ang nagsasalok ng kanin na unli
  • Marami namang netizens ang naka-relate sa post na ito na mahilig din sa kanin

Pumatok sa mga Pilipino ang ilang fast food restaurant dahil sa inaalok nilang unlimited na pagkain at inumin. Mula sa bottomless iced tea, nag-level up ang ilang kainan at naging unli na rin ang inaalok nilang kanin na paborito ng mga Pilipino.

At isa sa mga pinakasikat na fast food restaurant na nag-aalok ng unli-rice ay ang Mang Inasal. Dinaragsa ito ng mga kanin l0vers, lalo na ang mga kalalakihang malakas kumain ng kanin. Ito rin ang dahilan kung bakit viral sa Facebook ang larawan ng isang lalaki na tila ‘clingy’ sa isang staff dahil sa kanin. lol

Larawan mula sa Facebook post ni Jemar Un Ei

Sa nasabing fast food restaurant kasi, kailangan mong tawagin ang crew na nagtatakal ng kanin kapag naubos na. Kaya naman sa larawang in-upload ni Jemar Un Ei sa kanyang Facebook account, makikita siya na tila ayaw pakawalan ang babaeng crew na nagre-refill ng kanin.

“Dito ka lang… Walang iwanan,” caption ni Jemar sa kanyang post na agad namang nag-viral. Umabot lang naman sa 48,000 reactions na karamihan ay ‘haha’ at 77,000 shares. Maraming netizens ang na-good vibes sa larawang ito sa paborito rin nilang Mang Inasal.

Sabi ng ilang netizen, relate na relate sila sa larawan dahil kahit sila raw ang nasa nasabing kainan, maya’t maya rin umano ang paghahanap nila sa crew na mayroong dalang balde ng kanin para magpa-refill.

“Hahaha. Relate ako rito. Lalo na kapag maraming tao sa Mang Inasal tapos ang tagal bago ka masalinan uli ng kanin. Kung pwede lang iwanan yung balde ng kanin para mapayapa ka na lang kakain,” sabi ng isang netizen na nag-share ng post.

Larawan mula sa Pexels

May ilan namang netizen na nagsabi na kahit daw wala na silang jowa na hino-hold hands, basta raw makasama lang nila lagi ang nagsasalok ng kanin ay solb na solb na raw sila tulad ng ginawa ni Jemar sa viral niyang larawan.

“Sana all. Kahit wala nang jowa basta may unli rice, masaya ang buhay. Hahaha,” pahayag ng isang netizen.

Loading…