Coconut oil inirekomenda bilang panlaban sa nCoV

  • Coconut oil inirekomendang gamitin laban sa nCoV
  • Marami na umanong scientific evidence na nagpapatunay sa anti-viral properties ng coconut oil
  • Ang coconut oil bilang panlunas ay abot-kaya, ligtas at ang potensyal na benepisyo nito ay napakalaki

Kamakailan  lang ay nagdeklara ang World Health Organization ng global emergency dahil sa pagkalat ng 2019 novel coronavirus (nCoV); hindi lang sa China kundi maging sa 19 iba pang mga bansa kabilang ang Pilipinas.

Imahe mula sa Pixabay

Sa kasalukuyan ay wala pang panlunas sa nCoV, na napag-alamang kamag-anak ng SARS, isang uri ng coronavirus na kumalat din noong 2003.

Nagkukumahog na ang mga mananaliksik sa paglikha ng gamot na pangontra sa nCoV subalit, ayon kay Professor Emeritus Dr. Fabian Antonio Dayrit, matatagalan pa ito dahil marami pang tests na kailangang pagdaanan.

“Several researchers have been designing drugs to specifically target protease enzymes in coronavirus, but testing for these drugs is many months away,” sabi sa research paper ni Dr. Dayrit at Dr. Mary Newport ng Spring Hill Neonatolody, Inc. na inilabas sa website ng Ateneo De Manila University noong ika-31 ng Enero 2020.

Sa research paper na pinamagatang “The Potential of Coconut Oil and its Derivatives as Effective and Safe Antiviral Agents Against the Novel Coronavirus (nCoV-2019),” iminungkahi ng mga author na gamitin ang coconut oil bilang panlunas sa nCoV.

Imahe mula sa Truly Organics

Ayon kay Dr. Dayrit, marami nang scientific evidence hinggil sa anti-viral properties ng coconut oil at sa pagiging ligtas nito gamitin.

At dahil wala pang nalilikhang panlunas, ang panawagan nila ay magsagawa ng clinical studies sa mga pasyenteng positibo sa nCoV gamit ang coconut oil. Ang coconut oil bilang panlunas ay abot-kaya, ligtas at ang potensyal na benepisyo nito ay napakalaki.

Inirekomenda rin nina Dr. Dayrit at Dr. Newport na ituring na general prophylactic (panlaban sa sakit) ang virgin coconut oil kontra sa viral at microbial infection dahil bukod sa ligtas itong gamitin ay available ito kahit saan.

Imahe mula sa Max Care

Loading…