Comelec, pinag-aaralan na ang pagkakaroon ng mobile app voting sa mga susunod na eleksyon

  • Maaari daw na makaboto na ang mga Pilipino sa pamamagitan ng mobile application sa susunod na eleksyon
  • May test run nang gagawin ang Commission on Elections (Comelec) para sa inobasyong ito
  • Kapag naging matagumpay ang test run, irerekomenda raw ng Comelec na ipasa sa Kongreso ang batas para sa bagong paraan ng eleksiyon

Isa sa naging pinakamalaking inobasyon ng halalan sa Pilipinas ay ang pagiging awtomatiko ng paraan ng pagboto ng mga Pilipino. Mula sa mano-manong pagsusulat ng pangalan sa balota, ngayon ay agad nang nabibilang ang boto sa pamamagitan ng vote counting machines (VCMs).

Ngunit sa mga susunod na eleksiyon, maaari nang magkaroon ng mas modernong paraan ng pagboto ayon sa  inilahad ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na magkakaroon sila ng test run para sa ilang mobile app voting program.

Larawan mula sa Philippine Information Agency

Sinabi ni Guanzon sa isang pahayag na kapag naging matagumpay ang gagawin nilang testing sa ilang mobile application developers patungkol sa gagawing bagong paraan ng pagboto, isasangguni raw nila sa Kongreso na magpasa ng batas para sa mobile app voting.

“If successful, we will ask Congress to pass law. We will test it muna. We will be transparent with mobile app voting testing,” sabi ni Guanzon.

Inihayag din ng Commissioner na maliban sa Comelec, makakasama rin ang iba’t ibang election watchdogs sa bansa tulad ng Lente, National Movement for Free Elections, at Parish Pastoral Council for Responsible Voting upang masiguro ang pagiging patas ng gagawing testing.

Ayon kay Guanzon, ang pag-develop nila sa mobile app para sa pagboto ay makatutulong sa overseas absentee voting. Noong 2019 senatorial elections kasi, mababa ang nakuhang turnouts mula sa mga OFW na umabot lang sa 334,242 votes. Kung magkakaroon daw ng voting app, maaaring umabot sa hanggang 2 milyon ang makaboboto sa May 2022 elections.

Larawan mula sa Pexels

“This will be very useful for seafarers and those who live far from our embassies. Our target is to have a total of two million overseas votes befor May 2022,” dagdag ni Guanzon.

Makatutulong din daw ang paglulunsad ng mobile voting app upang mas mapabilis ang botohan lalo na’t napakalaki ng aberyang naidulot ng 2019 elections dahil sa mga naglokong VCM. Tinatayang nasa 960 machines ang nagkaroon ng pr0blema noong midterm elections.

Loading…