Couple goals: Kilalanin ang mag-asawang mahilig sa matching outfits

Imahe mula sa video ng KMJS via Facebook
  • Kinakiligan ng netizens ang mag-asawang senior citizen na madalas magsuot ng ternong damit
  • Dalaga pa lang daw si lola Lagring ay fashionista na siya
  • Siya raw mismo ang namimili ng telang gagamitin para sa mga pang-OOTD nila ni Lolo Kilyong

Pinag-usapan sa social media ang sweet na sweet na couple goals ng mag-asawang Lagring at Kilyong Villa. Madalas kasi silang mamataang nakasuot ng ternong damit tuwing sasamba.

Imahe mula sa video ng KMJS via Facebook

Kuwento ni Lola Lagring sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), siya ang nakaisip na magsuot sila ng matching outfits. Noong una nga raw ay ayaw ni Lolo Kilyong ngunit sumunod na lamang ito sa gusto ng asawa. “Pinagbigyan ko na para walang away,” sabi ni Lolo.

Dahil madalas na makapukaw ng atensyon ang kanilang makulay na mga damit ay naiinis daw noon si Lola Lagring sa mga tumitingin sa kanila. “Nagagalit ako noon kasi akala ko nilalait nila kami pero hindi naman pala,” aniya.

“Noong nakikita ko na masaya yung mga tao na nakakikita sa amin, itinuloy na namin,” saad naman ni Lolo.

Sa kasalukuyan ay may pitong pares sila ng magkakatulad na mga damit. Kuwento ni Lola, siya mismo ang namimili ng mga telang gagamitin ng mananahi. Ang pagiging fashionista, dala na raw niya simula pa noong dalaga pa siya.

Imahe mula sa video ng KMJS via Facebook

Ito nga raw ang isa sa mga bumihag sa pus0 ng kaniyang asawa.

“Noong nakita ko siya talaga namang parang napatitig ako sa kaniya. Kapag nakikita ko siya, para bang hinahanap-hanap ko na,” kuwento niya.

Kaya naman tinitiyaga ni Lolo ang dalawang oras na pagba-bike. “Kahit gaano kalayo pinagtitiyagaan ko talaga kasi anong magagawa ko, mahal ko talaga siya,” sabi niya.

Hindi naman nabigo si Lolo Kilyong dahil matapos ang tatlong buwan ay napasagot na rin niya ang kaniyang iniibig. Noong Mayo 24, 1969 ay nagpakasal ang dalawa.

Marami na ring pinagdaanang pagsubok ang dalawa. Na-str0ke si Lolo at naparalisa ang bahagi ng katawan, ngunit nananatili silang tapat sa pangakong iibigin ang isa’t isa. “Aalagaan kita,” pangako ni Lola sa kaniya.

Ang kanilang kuwento, ikinatuwa rin ng KMJS kaya naghandog sila ng mga gamot at dinagdagan din ang mga magkapares nilang damit. Sabi ni Jessica, limang bagong pang-OOTD ang ibinigay nila sa mag-asawa bilang simbulo ng limang dekada nilang pagsasama.

Nakaka-good vibes sila, ‘di ba?

Panoorin ang kanilang kuwento:

Source :

KMJS

Loading…