Cute! Batang miyembro ng Cub Scout, nagpakita ng talento sa pagsayaw ng ‘Tala’ ni Sarah G

  • Viral sa social media ang video ng pagsasayaw ng isang batang lalaki sa gitna ng kanilang Scouting event
  • Kinaaliwan ng netizens ang galing ng batang miyembro na ipinakita nito ang kaniyang talento sa pagsayaw ng ‘Tala’ ni Sarah Geronimo
  • Umabot naman kaagad sa mahigit 4 million views ang video isang araw matapos itong ma-upload sa Facebook

Naghatid ng saya at good vibes ang video kung saan makikita ang pagsasayaw ng isang batang lalaki sa kalagitnaan ng Cub Scout event sa kanilang paaralan.

Imahe mula sa Facebook video ni Kaycee Montaner

Ibinahagi ng netizen na nagngangalang Kaycee Montaner sa Facebook noong February 1 ang video ng batang miyembro ng Cub Scout habang sinasayaw ang dance moves ng “Tala” na unang pinasikat ni Sarah Geronimo.

Marami ang humanga sa lambot ng katawan ng bata at sa game na game nitong pagpapamalas ng kaniyang talento sa paghataw sa harap ng kaniyang mga kapwa scouts.

Umani ito ng malakas na palakpakan at hiyawan mula sa kaniyang mga guro at iba pang mga miyembro ng Scouts na nasa event.

Agad ring nag-viral ang video ng batang lalaki na ngayon ay may higit 4 million views na isang araw matapos itong ma-upload sa social media.

Mayroon na rin itong higit 120,000 reactions at lagpas 205,000 shares sa Facebook.

Sa post naman ng Facebook page na Maayong Buntag Mindanao, pinangalanan ang bata na todo hataw sa pagsayaw na si Edmon Bawaan o mas kilala sa palayaw nitong Mon-mon na nag-aaral sa isang paaralan sa Surigao del Norte.

Ilang netizens din ang nagpahayag ng kanilang pagkabilib matapos mapanood ang video ni Mom-mon sa social media.

Imahe mula sa Facebook video ni Kaycee Montaner

“Uwian na, may nanalo na,” pahayag ni MS.

“Ang galing galing naman. Hahaha!” komento naman ni GAI matapos mapabilib sa sayaw ng bata.

“Kaya hindi ako pinasali ni mama sa Boy Scout, e. Baka ganito lang gawin ko. Hahaha,” pabirong sabi naman ni KMP.

Source :

Facebook

Loading…