‘Daddy Di Do Du’ star Isabelle De Leon, nalalapit na ang pagsabak sa international beauty pageant

  • Kakatawanin ng dating child actress na si Isabelle de Leon ang bansang Pilipinas sa darating na Miss Multinational 2020
  • Nakatakda itong sumabak sa international beauty pageant na gaganapin sa New Delhi, India sa darating na Marso
  • Unang nakilala si de Leon dahil sa kaniyang galing sa pag-arte bilang batang aktres sa pelikulang Magnifico at palabas sa telebisyon na Daddy Di Do Du

Nalalapit na ang pagsabak ng dating child actress na si Isabelle De Leon sa isa sa mga inaabangang international beauty pageant sa mundo.

Imahe mula sa @msworldphil | Instagram

Sa Instagram noong February 17, in-upload ng Miss World Philippines ang mga opisyal na larawan ni Isabelle de Leon bilang representante ng bansang Pilipinas sa darating na Miss Multinational 2020.

Bahagi ito ng paghahanda ng beauty queen para sa pageant na gaganapin sa New Delhi, India sa darating na Marso.

“Miss Multinational Philippines 2019. Isabelle de Leon is set to compete and represent the Philippines at the Miss Multinational 2020 this March in New Delhi, India,” ayon sa caption ng Instagram post ng Miss World Philippines.

Bago pa man sumabak sa mundo ng pageantry si de Leon, mas nakilala na ito ng madla dahil sa kaniyang talento at galing sa pag-arte sa murang edad pa lamang. Sa katunayan, umani ito ng mga parangal at pagkilala sa mga papel na kaniyang ginampanan sa pelikula at maging sa telebsiyon.

Isa na nga rito ang pagtanggap niya ng Best Child Actress Award mula sa FAMAS para sa pelikulang Magnifico noong 2003.

Kabilang rin sa mga kilalang papel na kaniyang ginampanan ang role bilang “Duday” sa TV show na Daddy Di Do Du kasama si Vic Sotto.

Nito lamang Pebrero ay napanood muli si de Leon sa TV show ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsiyano sa bago nitong role bilang si Police Lieutenant Mariel Lazcano.

Imahe mula kay @isabelledeleontv | Instagram

Kasama niya bilang bagong cast sa teleserye sina Barbie Imperial at Shaina Magdayao.

Bagama’t pansamantalang aalis ng bansa si de Leon para maghanda sa nakatakda niyang kompetisyon sa India, marami namang fans ang umaasa na maipagpapatuloy pa rin nito ang kaniyang career sa pag-arte at pagkanta.

Loading…