Dahil hindi natuto noong bata pa siya, Alex Gonzaga nagpaturo kay Jennylyn Mercado na magbisikleta

  • Inamin ni Alex Gonzaga na hindi pa siya nakakapagbisikleta sa buong buhay niya
  • Isa iyon sa mga bagay na nais niyang matutunan bago siya ikasal
  • Para matuto, nagpaturo siya sa kaibigang si Jennylyn Mercado

Karamihan sa atin bata pa lamang ay naturuan at natutunan nang magpaandar ng bisikleta. Bahagi ng ating pagkatuto nito ay ang mga galos at semplang. Gayunman, may mga tao rin na hindi natutong magbisikleta noong bata pa sila dahil na rin sa takot na masemplang at magalusan.

Isa na rito ang celebrity vlogger na si Alex Gonzaga na sinabing hindi pa siya nakapagpaandar ng bisikleta sa buong buhay niya.

Screen grab mula sa YouTube video ni Alex Gonzaga

Dahil dito, sinadya niyang puntahan ang kaibigang si Jennylyn Mercado upang turuan siyang magbisikleta. Tinanong naman ni Jennylyn kung bakit hindi natuto si Alex na magbisikleta noong bata pa ito.

“Ganito ang kuwento. Ang ate ko [Toni], nagbisikleta siya. Sabi niya ‘ako muna mag-aaral na magbisikleta.’ Tapos, pagdating niya sa bahay ay may sugat-sugat siya,” kuwento ni Alex.

Dagdag pa ni Alex, ang sabi pa raw ng nagturo sa kaniyang ate ay kailangang magkaroon muna ng 12 na sugat para matutong magbisikleta. Dahil dito, hindi na ito sinubukan pa ni Alex.

“Hindi totoo ‘yan. Hindi ako nagkasugat kahit isa [noong natutong magbisikleta],” pagsalungat ni Jennylyn sa sinabi ni Alex.

Samantala, may tatlong bisikleta si Jennylyn na ipinakita sa kaibigan: ang mountain bike, road bike, at triathlon bike. Kumpara kay Alex, bata pa lamang si Jennylyn nang matuto itong magbisikleta na ngayon ay isa sa kaniyang mga hobbies.

Kaya naman daw magpaandar ng pedicab ni Alex dahil tatlo ang gulong nito pero hindi niya kayang magpaandar ng dalawa ang gulong.

Seryosong bagay ang pagtuturo ng pagbibisikleta kaya kahit paano ay seryoso si Jennylyn sa mga binigay niyang tips kay Alex. Gayunman, dahil likas ang pagkakuwela ni Alex, nauwi sa katatawanan ang kanilang biking session.

Imbes na regular na bisikleta, isang pambatang bisikleta rin ang pinagtestingan ni Alex na kinatawa na lang ni Jennylyn. Siyempre may suot din itong pambatang helmet.

Screen grab mula sa YouTube video ni Alex Gonzaga

Ilan sa mga tips ni Jennylyn kay Alex ay ang kailangang i-check kung walang butas ang gulong ng bisikleta. Importante rin umano ang brakes at kung paano ibalanse ang katawan.

Sa wakas ng vlog, makikitang tumatagaktak ang pawis ni Alex at inamin na sa lahat ng kaniyang vlog ay iyon ang pinakapinagpawisan siya.

Panoorin ang vlog na ito ni Alex sa ibaba:

Source :

YouTube

Loading…