Dahil may mga admirers na, Chesca Garcia may payo kay Kendra tungkol sa pag-ibig

  • Ibinahagi ni Chesca Garcia Kramer sa kaniyang Instagram account ang tungkol sa pagkakaroon ng maraming admirers ng kaniyang panganay na anak na si Kendra
  • Sampung taon pa lamang si Kendra at nais ni Chesca na mamulat agad ang anak tungkol sa katotohanan ng pag-ibig
  • Ayaw ni Chesca na palagpasin ang mga pagkakataon na magabayan at mapayuhan niya ang lumalaking anak

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng celebrity mommy na si Chesca Garcia Kramer kung paano niya kinakausap ang panganay na anak na si Kendra tungkol sa pag-ibig.

Sa edad na sampu, may mga admirers na umano si Kendra, ayon sa kay Chesca.

Imahe mula sa Instagram account ni Chesca Garcia Kramer

“How apt to share this story since it’s Valentine’s Day. Kendra is already starting to have admirers. And she is pleasantly surprised by the admiration that she has been receiving,” pambungad ni Chesca.

Bilang ina, nais ni Chesca na sulitin ang panahon na masubaybayan ang paglaki ng anak at magabayan ito sa pamamagitan ng kaniyang mga payo.

“I did not want to miss on the opportunity to talk her about these things because she is growing up already. I spoke to her about the difference of flattery, crushes, admiration and love. We sometimes talk about it anyways,” paliwanag ng aktres.

Ipinauunawa rin ni Chesca na normal lamang na matuwa kapag nalaman nating may gusto sa atin ang ibang tao ngunit hindi iyon ang dapat na isipin sa murang edad ng anak.

“Love is a beautiful feeling! Our love is precious and shouldn’t be given away so easily. While you wait for God’s Best – Guard your heart! And while you’re at it, choose your friends, be mindful of your ways, remember what your parents have taught you, and find your identity in Christ,” dagdag nito.

Ayon pa kay Chesca, mahalaga na kinakausap ng mga magulang ang kanilang mga anak hinggil sa ganitong mga bagay. Kailangang magmula umano sa mga magulang ang katotohanang dapat na marinig ng kanilang mga anak.

Sa Instagram post na ito ni Chesca ay kalakip ang larawan ni Kendra na may hawak na mga bulaklak.

Imahe mula sa Instagram account ni Doug Kramer

“Flowers [are] given by her consistent admirer and first love, her papa!” paliwanag ni Chesca.

Sa Instagram post ng asawang si Doug Kramer, makikita na binigyan niya ng mga bulaklak ang bawat kasapi ng kanilang pamilya.

Loading…