Dalaga humingi ng advice sa netizens kung sino ang dapat piliin: Boyfriend o mga alagang palaka?

  • Problemado ang isang dalaga kung sino ang pipiliin; ang nobyo ba o ang mga alagang palaka
  • Pinapapili raw siya ng nobyo: siya o ang mga palaka?
  • Humingi ng payo ang dalaga sa mga netizens na tila nagkaisang dapat piliin ang mga palaka

Problemado ang isang 21-anyos na dalaga sa relasyon niya sa kanyang 22-anyos na nobyo kaya humingi siya ng payo sa mga netizens kung ano ang dapat niyang gawin.

Sino raw ba ang dapat niyang piliin, ang boyfriend niya o ang mga alagang palaka?

Imahe mula sa Pixabay

Sa isang mahabang post ay ipinaliwanag ng dalaga na may username na “chirpchirping” ang sitwasyon.

Natuklasan raw niya na gustong-gusto niya ng mga palaka kaya two years ago ay nagsimula siyang mag-uwi ng mga ito sa bahay hanggang makaipon ng 14 na iba’t ibang uri nito na inaalagaan niya na parang mga tunay na anak.

Nakatulong raw ang mga alaga sa desisyon niyang maging isang biologist at kasalukuyan nga niyang tinutupad ang pangarap na iyon sa kolehiyo. Ang mga alagang palaka ang naging kasa-kasama niya sa mga panahong nalulungkot siya at may mga pinagdaraanan.

Pakiramdam daw ni chirpchirping ay nabubuhay lang siya siya upang arugain at bigyan ng komportableng tahanan ang mga alagang palaka.

Six months ago ay nakilala raw niya ang kanyang boyfriend. Madali raw silang nagkapalagayang-loob at araw-araw silang nagkikita. Agad daw na inamin ng nobyo na hindi ito mahilig sa mga hayop.

Imahe mula sa Pixabay

Niyaya umano siya ng kanyang nobyo na sumamang manirahan sa kanya pagkatapos nila ng kolehiyo para kumuha ng post-gradruate course sa ilalim ng isang kondisyon: ipamigay ang ibang mga palaka at tatlo lang ang maaari niyang dalhin.

Hindi makapagdesisyon si chirpchirping kaya humingi siya ng tulong sa netizens.

“I’ve tried to make compromises offering to rehome half, or even pay extra for us to have extra bedroom for my frogs so he wouldn’t have to see or interact with them. He says he doesn’t like them because they are ugly which to me is completely outrageous for him to be so dismissive of something I’m so passionate about.

“I’m not sure what I should do, if I should break up with him and not go? Or if maybe I do have too many frogs and if I should rehome some? Please help. My boyfriend wants me to choose between him and my life passion of rescuing frogs. Is this fair of him? Is 14 frogs too many.”

Imahe mula sa Buzzfeed

Iisa ang naging payo ng mga netizens kay chirpchirping: Piliin ang mga frogs kaysa boyfriend.

“Drop the boyfriend, the frogs will give you more unconditional love than him. don’t trust anyone who straight up doesn’t like animals at all honestly, more so who calls things you’re passionate about gross or ugly.”

“Is 14 frogs too many? Perhaps. Is 1 boyfriend who wants you to abandon your passion for him too many? Absolutely.”

“Ditch the BF!!! Demanding that your partner get rid of pets in order to continue dating is often a red flag and someone who actually cared about you would not be doing that.”

Kayo, may maibibigay b akayong payo sa kanya?

Source :

Buzzfeed, Twitter

Loading…