Dating AGT champion na si Shin Lim inaming “super big fan” siya ni Marcelito Pomoy

  • Dating AGT champion hanga sa husay ni Marcelito Pomoy
  • Sinabi ng magician na si Shin Lim na “super big fan” siya ni Marcelito
  • Sa susunod na Linggo ay muling mapapanood si Marcelito sa grand finals ng AGT: The Champions

Nagpahayag si Shin Lim ng paghanga sa husay na ipinakita ni Marcelito Pomoy sa America’s Got Talent: The Champions (AGT: The Champions).

Imahe mula sa Instagram account ni Shin Lim

Si Shin Lim, na  Liang-Shun Lim ang tunay na pangalan, ay isang Canadian-American magician na kilala sa kagila-gilalas niyang close-up magic. Siya ang nagkampeon sa AGT Season 13 at sa first season ng AGT: The Champions.

Sa Instagram, nag-post si Shin Lim ng isang video clip na aktwal na kuha sa semi-finals round ng AGT: The Champions kung saan kinanta ni Marcelito ang “Time To Say Goodbye” na duet nina Andrea Bocelli at Sarah Brightman.

Tampok sa video clip ang reaksyon ng isang lalaki sa audience sa performance ni Marcelito. Sabi ni Shin Lim, ganoon umano ang reaksyon niya nang mapanood niya ang Pinoy singer.

“My reaction after watching @marcelitopomoy8 perform,” post ng magician sa Instagam account niya.

Nagpasalamat naman si Marcelito sa post ng mahikero.

“Thank you, brother,” comment ni Marcelito sa post ni Shin Lim.

Sa isa pang post ng pasasalamat, sinabi niya na tagahanga rin siya ni Shin Lim.

Imahe mula sa Instagram account ni Shin Lim

“Thank you @shinlimmagic – AGT Grand Champion and AGT Champions Edition season 1 grand champion… I am a fan,” aniya.

Sa pagpapalitan nila ng mensahe, sinabi ni Shin Lim na “super big fan” siya ni Marcelito.

“Hey man! Super big fan of your singing! It’s so amazing,” anang magician.

Na sinagot ni Marcelito ng “Hello Shin Lim… thank you so much.. You are amazing as well. I was impressed by your magic. I want to know how to do it.”

Sa susunod na Linggo ay muling mapapanood si Marcelito sa grand finals ng AGT: The Champions. Tunay na kaabang-abang!

Screenshot mula sa AGT: The Champions

Loading…