Derek Ramsay, may nakakikilig na Valentine’s surprise para kay Andrea Torres

Imahe mula sa video ng Andrek Vlogs via YouTube
  • Kinakiligan ang surpresa ng aktor na si Derek Ramsay para sa nobyang si Andrea Torres
  • Ayon kay Derek, nagkaroon sila ng ‘di pagkakaunawaan ni Andrea at sinadya niya itong palakihin upang mas maging epektibo ang surpresa
  • Nag-set up siya sa roof top ng bagong bahay, pinatugtog ang ‘Panalangin,’ saka nag-abot ng bulaklak kay Andrea

Ibinahagi ng Kapuso actor na si Derek Ramsay ang nakakikilig na Valentine’s Day surprise niya para sa nobyang si Andrea Torres.

Imahe mula sa video ng Andrek Vlogs via YouTube

Sa kanilang YouTube channel na “Andrek Vlogs,” ibinahagi ni Derek kung paano niya pinlano ang surpresa para kay Andrea.

Sabi niya, noong araw na iyon nangyari ang unang ‘di pagkakasundo nila sa kanilang relasyon. “It was very petty but I kind of magnified it a little bit to make the surprise even better,” saad niya.

Darating daw si Andrea sa bahay na ipinapagawa ni Derek upang i-vlog ito at inaasahan niya raw na masama ang loob nito kapag dumating.

Sa pamamagitan ng kaniyang inihanda, sana raw ay makabawi siya. “She’s going to be coming here in a bad mood. She thinks she is going to be vlogging the new house. This whole set up, ‘yung nakikita niyo po rito, is going to change that mood,” sabi niya.

Ipinakita rin sa vlog ang pagsundo kay Andrea na tila nagdududa dahil naka-postura ang nagsundo sa kaniya. Pagdating niya sa bahay ni Derek ay sinimulan niya ang pagbabahagi tungkol sa bagong bahay ni Derek para sa kanilang YouTube channel.

Sabi niya, ito raw ang dream house ng kaniyang nobyo kaya naman hands-on ito sa pamimili ng mga gamit.

Imahe mula sa video ng Andrek Vlogs via YouTube

Maya-maya pa ay narinig niyang pinatutugtog ang kantang “Panalangin.” Dito na siya lumabas sa roof top at nakita ang naka-set up na surpresa ni Derek para sa kaniya. Hindi naitago ni Andrea ang kasiyahan at agad na napaluha.

“Ang ganda. Nakita ko lang to sa Pinterest noong isang araw,” sabi pa niya.

Inabutan din siya ng Derek ng bouquet ng bulaklak.

Naging magkatambal ang dalawa sa teleseryeng “The Better Woman.” Setyembre noong isang taon nang aminin ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Tara, makiusyoso tayo sa kanilang V-Day moment!

Source :

YouTube

Loading…