Diaper bago sapatos: Mga ama nakarelate sa ibinahaging larawan ng netizen

Imahe mula sa Facebook | Scott Echon
  • Marami ang naka-relate sa isang ama na hanggang tingin na lamang sa mga sapatos dahil kailangan niyang unahin ang mga pangangailangan ng anak
  • Sabi ni Scott Echon, kailangan niyang maging matalino sa pagdedesisyon lalo na at ang diaper ay P250 lamang habang ang isang pares ng sapatos ay P3k
  • Ganito rin ang pinagdadaanan ng ibang mga ama na nagbahagi ng post ni Scott

Naiiba ang priority ng mag-asawa kapag nagkaroon na sila ng anak. Ang dating oras para sa gimik ay itinutuon na sa pag-aalaga sa anak at ang dating budget para sa mga luho ay inilalaan na sa mga pangangailangan ng supling.

Imahe mula sa Facebook | Scott Echon

Ganitong-ganito ang nangyari sa isang ama na pinag-uusapan ngayon sa social media.

Sa ibinahaging larawan ni Scott Echon sa Facebook, makikita na hanggang tingin na lamang siya sa mga sapatos dahil inuna niyang bumili ng mga kailangang gamit ng anak, kagaya ng diaper.

“This photo breaks my heart,” sabi ni Scott sa caption. Sinamahan niya rin ito ng hashtag na Daddy duties.

Tila maraming ama ang naka-relate kay Scott kaya naman habang isinusulat ito ay may 4.3k reactions at 11k shares na ito. Sa comment section, sinabi pa ni Scott na kailangan daw magdesisyon nang matalino. “[Yung diaper], P250 lang. [Yung] Vans, P3k. Choose wisely. Tara na mag-collect ng diapers,” sabi niya.

Imahe mula sa Facebook | Scott Echon

Ang mga ama na sina Mark A. at Nai G, ibinahagi ang post ni Scott at sinabing “hanggang sulyap na lang muna” sila. Ang mahalaga naman para kay Paulo N. ay inuuna niya ang anak bago ang kaniyang luho.

Sabi naman ng netizen na si Joey A., mas masakit pa raw ang tagpong ito sa sumasakit na ngipin at sa breakup.

Biro naman ni L. Camero, “Okay na ‘yan, pare kasi nakita mo naman na silang lahat. Nag-hi ka naman sa kanila.” Sagot ni Scott, “At least nakapagpaalam ako sa kanila nang maayos, ‘di ba?”

Relate ka rin ba sa ganitong eksena?

Source :

Facebook

Loading…