Dingdong Dantes nagpaliwanag sa anak na si Zia kung paano siya naging sundalo

  • Paano ipinaliwanag ni Dingdong Dantes ang pagiging sundalo niya sa panganay na anak ni Zia?
  • Sa pamamagitan ng larawan, unti-unting napaunawa ni Dingdong sa anak ang mga bagong misyon niya bilang isang Pilipino
  • Ngunit sa mga tanong ng anak, may higit pang bagay na napagtanto sa buhay ang mahusay na aktor

Likas sa mga bata ang pagiging matanong sa kanilang mga magulang lalo na kung may nakikita silang bago sa mga ito. Ganito kasi ang nangyayari sa mag-amang sina Dingdong at Zia Dantes nang makita ng anak na nakasuot ng pang-sundalo ang kaniyang ama.

Sa isang panayam ng Pep, ibinahagi ni Dingdong kung paano niya ipinaliwanag sa kaniyang panganay na anak kung paano at bakit siya naging sundalo.

Imahe mula sa Facebook page ni Marian Rivera

Una, nagpakita umano si Dingdong ng kaniyang mga larawan na kuha sa set ng kaniyang bagong teleserye na Descendants of the Sun na ipalalabas na sa Pebrero 10, 2020.

“Bakit ka naka-soldier?” minsang tanong umano ni Zia.

Ipinaliwanag niya sa anak na para iyon sa kaniyang show. Pero nang minsan daw na makita siya ni Zia na nakapang-sundalo sa kanilang bahay ay muli na naman itong nagtanong na “Are you pretending to be a soldier?

Sa pagiging matanong ni Zia ay lalo umanong napapaisip si Dingdong at ang paliwanag niya sa anak ay “You know, Zia, because I’m a reservist. I am a volunteer. I help the real soldiers. So, yes. Technically, I’m a soldier.”

Ayon pa sa Pep, kahit umano hindi maikuwento ni Dingdong ang buong detalye tungkol sa pagiging sundalo niya ay masaya siya dahil sa suporta ng kaniyang pamilya. Ipinagmamalaki siya ng kaniyang misis na si Marian Rivera.

“Lieutenant Commander Jose Sixto G. Dantes III PN (Res). Super proud of you my husband… Salute!” ayon sa isang Instagram post ni Marian.

Imahe mula sa Facebook page ni Marian Rivera

Si Dingdong naman ay na-promote pa bilang isang lieutenant commander sa Philippine Navy.

Ibinahagi rin ng aktor na noong 2006 ay naging reservist din siya sa Philippine Marines na under ng Philippine Navy. Ang pagiging pinuno ng Yes Pinoy Foundation, isang non-profit organization, ang naging daan sa pakikipag-ugnayan niya sa mga reservist ng marines.

Si Dingdong ay under ng Philippine Navy Affiliate Reserved Unit na tumutulong bilang combat support tulad ng pagbibigay ng mga sasakyan, manpower, o maging ng doktor.

Source :

Pep, Instagram

Loading…