DLSU Chemical Engineering Dept. na ginagawang pataba ang tubig-banyo, wagi ng P13 million mula sa UK government

  • Kinilala ang research ng mga taga-De La Salle University sa isang patimpalak ng UK government
  • Ginawa kasi nilang epektibong pataba sa pananim ang maruming tubig galing sa mga kubeta
  • Nagkamit sila ng P13 milyon na gagamitin daw nila sa pagpapatupad ng kanilang saliksik

Wagi ang research ng isang pangkat mula sa De La Salle University (DLSU) na ginagawang pataba o fertilizer ang maruming tubig mula sa banyo. Nag-uwi lang naman ng tumagingting na P13 milyon ang nasabing research mula sa pamahalaan ng United Kingdom.

Ginulat at pinamangha ng DLSU Chemical Engineering team sa pangunguna ng propesor na si Dr. Michael Angelo Promentilla ang British diplomats dahil sa kanilang saliksik na pinamagatang Water-Energy-Nutrient Nexus in the Cities of the Future.

Larawan mula sa DLSU Twitter account

Layunin ng research na gawing pataba ang mga tubig mula sa banyo at palikuran. Mabisa raw na magiging fertilizer ang mga patapong tubig banyo sa mga pananim ng mga magsasaka. Makatutulong din daw ang saliksik na ito mapaunlad at maayos ang sanitation sa mga lungsod sa bansa na isang suliranin ng maraming lugar ngayon.

Nalaman ng DLSU research team na ang mga maruruming tubig ay puno ng ph0sphate at maaari itong gawing pataba ng mga magsasaka. Napatunayan naman daw ito ng ilang nasa agri-business dahil naghahanap daw talaga ang mga ito ng phosphorous fertilizers.

Mula sa mga naipasang studies, ito ang itinanghal na grand winner ng Newton Prize na nagkamit ng P13 milyon. Ayon sa mga researchers, gagamitin daw nila ang kalahati ng premyo upang makapag-develop ng sistema para sa mga bukirin. Ang kanilang sister school daw na DSLU-Araneta ay mayroong farm sa Bulacan na nagbibigay daw ng trabaho sa mga anak ng magsasaka ay makatatanggap ng tulong mula sa kanila.

Larawan mula sa Freepik

Binubuo ang research team nina Dr. Promentilla, Professor Aileen Huelgas-Orbecido, Engineer Carla Mae Pausta, Professor Luis Razon, Dr. Arnel Beltran, at Professor Luis Razon. Ayon sa kanila, ang research daw nila ay unang pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST).

Binuo ang Newton Prize ng UK sa ilalim ng Newton Fund at isang official development assistance noong 2014. Ito ay mayroong partnership sa higit 17 bansa at hininikayat ang mga pag-aaral at pagsasaliksik na makalulutas sa mga suliranin ng bansa. Ito rin ang unang parangal ng Pilipinas mula sa pagsali sa nasabing research competition.

Loading…