‘Do not be yourself’ payo ni Toni Gonzaga kay Alex Gonzaga na malapit nang ikasal

  • Malapit nang ikasal si Alex Gonzaga sa kasintahan nitong si Mikee Morada
  • At bilang panganay na kapatid, may mga payo si Toni Gonzaga kay Alex tungkol sa pag-aasawa
  • Inamin din ni Toni na hindi ipinaaalam ni Alex ang mga plano niya sa kasal dahil may posibilidad umano na makialam siya sa mga detalye

Malapit nang maging Mrs. Mikee Morada ang aktres at vlogger na si Alex Gonzaga. Sa nalalapit na kasal ng magkasintahan, may mga payo si Toni Gonzaga sa kaniyang nakababatang kapatid.

“Do not be yourself,” pabirong sagot ni Toni sa panayam ng Pep na mapapanood sa YouTube. Natatawang sinabi rin ni Toni na masyado kasing luka-luka si Alex.

Imahe mula sa Facebook page ni Toni Gonzaga

Ngunit ilang saglit lamang ay bigla ring sumeryoso si Toni.

“Everything changes when you become a wife, especially when you become a mother. It is not about you anymore. It’s about more on the two of you,” payo ni Toni kay Alex.

Sinabi rin ng aktres at TV host na kapag ikinasal na ang dalawang taong nagmamahalan, nagiging isa na sila.

“There is no more ‘I’ in marriage. The is no more ‘me.’ It is all about ‘we’ and ‘us.’ You become one with your partner,” dagdag pa nito.

Tinanong din kung ano ang magiging partisipasyon ni Toni sa kasalang Mikee at Alex.

“Hindi nga niya ako sinasama sa mga meeting, eh. Kasi alam niyang guguluhin ko lahat,” natatawang sagot ni Toni

Inamin ni Toni na may pagka-controlling siya kaya marahil hindi siya sinasama ni Alex sa mga meeting nito tungkol sa kasal.

Hindi raw gaanong nagbabahagi sa kaniya si Alex tungkol sa mga mangyayari sa kasal. Sinabihan lang umano siya ni Alex na wala na siyang dapat pang gawin kundi ang dumalo na lang sa kasal.

Paliwanag pa ni Toni, alam umano ni Alex na posibleng makialam siya sa mga detalye kapag nalaman niya ang plano.

Noong Enero, nagpunta ang magkapatid sa Singapore para mamili ng wedding gown ni Alex.

Imahe mula sa Facebook page ni Alex Gonzaga

Sina Alex at Mikee, na isang councilor sa Lipa City, ay naging engaged noong Diyembre 27, 2019. Ang wedding proposal ay naganap habang sila ay nagbabakasyon sa Hong Kong. Siyempre, kasama sa trip na iyon ang mga magulang ng dalaga.

Noong Enero 17, 2020 nang ibahagi ni Alex sa kaniyang vlog kung paano nag-propose ang binata.

Source :

YouTube, Pep

Loading…