Doodle sa notebooks: Isa ka ba sa mga nag-drawing sa mukha ng artistang cover ng notebook mo noon?

  • Isa sa mga pampalipas oras ng mga bata noon ang pagguhit sa cover ng kanilang notebook
  • Napagti-tripan nila ang mukha ng mga artista at ginagawang katawa-tawa ang mga ito
  • Maraming netizens naman ang naka-relate sa post na ito ng isang Facebook page na nagbalik ng alaala ng kanilang kabataan

Nauso noon ang mga notebook na mayroong celebrities sa cover. Mayroong mga notebook na nakabalandra ang mukha ng ilang Hollywood stars, pero mas sumikat ang mga local showbiz personalities na nasa cover ng notebook na ginagamit natin sa eskwelahan.

Minsan, ikaw talaga ang pipili ng notebook na gusto mo ang cover. Maaaring idol mo ang mga ito at isa kang tunay na fan. May mga pagkakataon naman na ang nanay mo lang ang namili nito at wala ka nang choice kung hindi gamitin.

Larawan mula sa Facebook page na HakDog

At dahil hindi mo naman feel ang celebrity sa notebook mo, kapag bored ka sa klase, siguradong isa sila sa pagbabalingan mo ng oras at panahon. Gamit ang iyong mahiwagang ballpen, matapos ang ilang minuto, ang mga glamorosong artista sa cover ng notebook mo ay kapnitas-pintas na ngayon.

Gawain ng mga bata noon ang pagdiskitahan ang cover sa notebook nila. Guguhitan nila ang mga artista at daragdagan ng detalye ang mukha, katawan, maging ang suot ng mga ito upang maging katawa-tawa. Isa sa mga pinakaginagawa ng mga bata ay ang pakapalin ang kilay at buhok.

Gamit ang ballpen, na karaniwang itim ang kulay, nagkakaroon nang makapal nakilay o buhok ang artista na nagbibigay ng nakatatawang histura ng mga ito. Samahan pa ng pagguhit sa ngipin na magibibigay naman ng ilusyon na bungi o kulang ang ngipin ng mga artista.

Sa isang Facebook post nga ng page na HakDog, ibinahagi nila ang larawan ng notebook na ginawang ‘doodle’ na ang mga celebrity sa cover na bida ng teleseryeng Kadenang Ginto. Ayon sa post, hindi raw buo ang kabataan mo kung hindi mo ito nagawa.

Larawan mula kay Marinel Bongat

Relate na relate naman ang mga netizen dahil umabot lang naman sa 11,000 reactions, 1,000 comments, at 34,000 shares ang nakuha ng post. Kanya-kanya rin silang kuwento kung paano sila inaliw ng kanilang gawaing drowingan ang cover ng kanilang mga notebook.

Hanggang ngayon daw ay ginagawa ng ilan ang ganito. Hindi na nga lang sa notebook kung hindi sa mga tarpaulin na may celebrity endorsers o sa mga paraphernalia na ibinibigay ng mga politiko sa panahon ng kampanya.

Loading…