Elijah Alejo aka Brianna ng Prima Donnas, pinuri ng co-star na si Aiko Melendez; consistent honor student pala

  • Pinapurihan ng beteranang aktres na si Aiko Melendez ang teen star na si Elijah Alejo
  • Magkasama ang dalawa sa seryeng Prima Donnas at parehong gumaganap na kontrabida
  • Gayunman, kahit maldita ang role nito sa show, mabuting bata naman at masipag daw si Elijah ayon kay Aiko

Marami ang naiinis sa tauhang si Brianna sa top-rating afternoon soap opera na Prima Donnas. Ginagampanan ito ng bagong aktres na si Elijah Alejo na tanggap daw na maraming asar sa kanya dahil sa malditang role niya sa serye.

Ngunit sa isang video sa kanyang YouTube vlog, pinatunayan ng beteranang aktres at co-star sa Prima Donnas na si Aiko Melendez na sa likod ng camera ay isang mabuting huwaran si Elijah aka Brianna. In-upload ng dalaga sa kanyang vlog na mayroong higit 136,000 subscribers ang one-on-one interview niya kay Aiko.

Larawan mula sa Instagram account ni Elijah Alejo

Dito ay nagkaroon sila ng fast talk habang nagpapahinga sa set ng kanilang pinakasikat ng show sa hapon. Gumaganap si Aiko na Kendra, ina ni Elijah sa serye kung saan siya ang nagsusulsol sa anak na gumawa ng hindi mabuti.

Sa pagtatapos ng kanilang panayam, sinabi ni Aiko sa mga followers at fans ni Elijah kung gaano siya humahanga sa batang aktres. Ayon kay Aiko, nakabibilib si Elijah dahil napagsasabay nito ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang artista.

“Thank you for having me in your vlog and congratulations keep up the good work, Elijah… Si Elijah po ay isa sa mga napakamabuting bata… Sa mga hindi nakakaalam, napakatalino niyan! Honor student ‘yan! Napagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho,” pahayag ni Aiko.

Sinabi rin ni Aiko na isang magandang halimbawa si Elijah sa kanyang mga fans. Dapat daw tularan ang kabutihan at kasipagan nito para maging matagumpay sila katulad ng tagumpay na tinatamasa nito ngayon sa eskwela at showbiz career.

Larawan mula sa Instagram account ni Elijah Alejo

“Kaya sana kayong mga estudyante na followers niya dito sa kanyang vlog sa YouTube, tularan n’yo siya dahil hindi kayo magsisi na siya ang in-idolize n’yo,” dagdag ni Aiko.

Mabubuting magkakaibigan din ang mga Prima Donnas stars na sina Elijah, Jillian Ward, Sofia Pablo, at Althea Ablan. Best friends nga raw ang turingan nila kahit madalas na nagbabangayan ang kanilang karakter sa show.

Panoorin ang vlog ni Elijah kasama si Aiko:

Source :

YouTube, GMA News

Loading…