Endless beauty: Korean superstar Song Hye Kyo, pinahanga ang lahat sa kanyang ganda sa Milan Fashion week

  • Rumampa sa Milan Fashion Week (MFW) ang Korean superstar na si Song Hye Kyo
  • Simple lamang ang porma nito ngunit lutang na lutang pa rin ang kanyang kagandahan 
  • Marami namang fans ang natuwa na muling makita ang kanilang idol ilang buwan matapos ang hiwalayan nila ni Song Joong Ki

Nahuli ng Korean actress at model na si Song Hye Kyo ang damdamin ng mga manonood na Pilipino simula nang mapanood ito sa kanyang serye na Endless L0ve: Autumn in My Heart noong 2003. Simula noon, nagsunod-sunod na ang mga hit K-drama niyang naipalabas sa bansa katulad ng Full House.

Pinakahuli natin siyang napanood sa top rating serye na Descendants of the Sun noong 2016. Dito rin niya nakilala ang kanyang naging asawa, ang aktor na si Song Joong Ki. Gayunman, noong Setyembre 2019 lang ay naghiwalay din ang dalawa at nauwi na nga sa div0rce.

Larawan mula sa Instagram post ni Song Hye Kyo

At ilang buwan matapos ang hiwalayan at pananahimik sa showbiz, ginulat ni Song Hye Kyo ang lahat nang rumampa siya para sa Milan Fashion Week (MFW). Ibinahagi niya ang kanyang larawan mula sa nasabing malaking fashion event sa kanyang Instagram account.

Simple lamang ang porma ni Song Hye Kyo sa kanyang paglabas sa MFW. Isang tila black suit lamang ang inirampa niya bitbit ang kanyang black bag na nagkakahalaga ng 3600 USD o nasa higit P180,000. Dumalo ang Full House actress sa ginawang show ng kilalang fashion brand na Bottega Veneta.

Agad na dumagsa ang likes sa larawan ng Korean superstar na sa kasalukuyan ay mayroon nang 630,000 likes. Marami din sa mga ito ang nagkaroon ng interes sa bag na dala ni Song Hye Kyo na may official name na Bottega Veneta Chain Pouch.

Matapos ang hiwalayan nila ni Song Joong Ki, naging abala si Song Hye Kyo sa iba’t ibang endorsement at modeling project na magiliw naman niyang ibinabahagi sa kanyang Instagram account. Napabalita rin na nag-enroll ang aktres sa isang art school sa New York noong nakaraang taon.

Larawan mula sa Instagram post ni Song Hye Kyo

Maraming netizens ang humanga sa tinaguriang ‘endless beauty’ ng aktres. Simpleng-simple lang kasi ang ayos nito ngunit certified head turner pa rin ito sa isa sa pinakamalaking fashion event sa Europe. Masaya raw sila na matapos ang mga pinagdaanan nito ay nananatili itong aktibo sa mga bagay na gusto niyang gawin noon pa man.

Malakas din ang balita na muling mapapanood si Song Hye Kyo sa pag-arte. May mga meeting na raw na ginagawa para sa susunod na pelikula niya.

Loading…