Espesyal ang mga aso dahil sa kakayahan nilang magmahal, ayon sa siyensiya

  • Maraming tao ang itinuturing ang kanilang mga alagang aso bilang anak at posible ring magulang ang turing ng aso sa taong nag-aalaga sa kanila
  • Nagagawa ng aso na makapagtatag ng emosyonal na relasyon sa tao, ayon na rin sa paliwanag ng siyensiya
  • Ang pagiging espesyal ng mga aso ay dahil sa pagmamahal na kaya nilang iparamdam sa tao

Kulang na lang ay ang magsalita ng “I love you” o “Mahal kita” ang mga alagang aso upang maiparating sa kanilang mga tagapag-alaga kung gaano nila kamahal ang mga ito.

Imahe mula sa Pexels

Lalo pa’t ang mga tagapag-alaga mismo ay laging ipinararamdam kung gaano kahalaga sa kanilang buhay ang alagang aso—kasabay kumain, pinaliliguan, kalaro, ipinapasyal, at dinadamitan pa nga ng iba na parang anak.

Dahil dito, masasabing may espesyal na puwang sa mga dog lovers ang alaga nilang aso. At may paliwanag ang siyensiya kung bakit espesyal ang mga aso.

Ayon sa isang artikulo ng Agence France-Presse, bukod sa pagiging likas na matalino ng mga aso, kaya rin nitong maging malapit sa tao at makabuo ng relasyon. Ang emosyon na nag-uugnay sa dalawang tao ay posible ring mag-ugnay at magpatibay ng relasyon sa pagitan ng tao at ng aso.

Sa pananaliksik ni Takefumi Kikusui at ng Azabu University sa Japan, nasuri nila na ang antas ng “chemical spike” sa tuwing magtatama ang paningin ng aso at ng taong tagapag-alaga nito ay kapareho rin ng epekto kung paano magtinginan ang ina at ang sanggol nito.

Tulad ng tao, ang mga aso ay nais ding makapagtatag ng isang personal na relasyon at maranasang magmahal at mahalin.

Ang mga ganitong kaisipan at eksperimento ay pinatunayan ng animal psychologist na si Clive Wynne sa kaniyang aklat na “Dog is Love: Why and How Your Dog Loves You.”

Si Wynne ay founder din ng Canine Science Collaboratory sa Arizona State University.

Imahe mula sa Pexels

“Our dogs give us so much, and in return they don’t ask for much. You don’t need to be buying all these fancy expensive toys and treats and goodness knows what that are available. They just need our company, they need to be with people,” paliwanag ni Wynne.

Ang lahat ng nakaranas ng espesyal na attachment sa kanilang alaga ay lubos itong nauunawaan.

Source :

AFP

Loading…