Excuse me po! Mike Enriquez, napaubo habang nagbabalita; nilinaw na hindi iyon nCoV

  • Trending ang news anchor na si Mike Enriquez dahil sa kanyang pag-ub0 sa 24 Oras
  • Nilinaw niya kasing hindi nCov o corona virus ang dahilan ng kanyang pag-ubo
  • Umabot naman na sa milyong views ang ‘excuse me po’ moment na ito ni Mike

Marami sa atin ang nakikibalita sa iba’t ibang newscast upang malaman ang kalagayan ng bansa lalo na ngayon at nakarating na rin sa Pilipinas ang corona virus o nCoV. Agad na iniulat ng media ang mga detalyeng dapat malaman ng publiko patungkol sa pinangingilagang karamdaman ngayon.

Ngunit sa kabila ng pagkatak0t ng mga Pilipino sa nasabing sakit, nagdulot ng katatawanan ngayon sa mga netizens ang isang episode ng GMA Network primetime news telecast na 24 Oras dahil sa isa sa mga anchor nitong si Mike Enriquez.

Larawan mula sa Facebook post ni Jhayvee Lhatina

Sa nasabing episode kasi, ibinabalita ni Mike ang tungkol sa pagiging alerto ng mga paliparan at pier sa Pilipinas para hindi makalusot ang corona virus. Ngunit hindi pa man natatapos ang kanyang spiels ay biglang naubo ang award-winning journalist at agad na nilinaw na wala siya ng naturang karamdaman.

 “Excuse me po, hindi po iyon corona virus,” sabi ng natawa ring si Mike sa nangyaring iyon sa kanya na mapapanood sa viral na video clip na in-upload ng netizen na si Jhayvee Lhatina.

Isa kasi sa mga simtomas ng pagkakaroon ng nCoV ang pag-ub0 kaya naman agad na nagpaliwanag si Mike sa mga televiewers na tila sanay na rin naman sa madalas na pag-ubo ni Mike habang nagbabalita at naging trademark na ito.

Ilang araw pa lamang naka-upload ang video ay umabot na sa mahigit 3.5 million ang views nito kasama pa ang 179,000 reactions na karamihan ay ‘haha,’ 19,000 comments, at 161,000 shares. Maraming netizens ang napatawa ni Mike sa kanyang ‘excuse me po’ moment sa kanyang palabas.

Larawan mula sa Facebook post ni Jhayvee Lhatina

Sabi ng ilang concerned netizens, napapansin na raw nila na halos araw-araw ay may gumagambala sa lalamunan ni Mike at dapat ay magpatingin na ito sa isang espesyalista. Maaari din raw itong magkendi muna ng pampaluwag ng plema para naman maging maayos ang kanyang pagbabalita.

Marami ding social media users ang tina-tag ang kanilang mga kakilala upang matunghayan ang video ni Mike. Pero hindi rin daw nila masisisi ang journalist na magpaliwanag on-air dahil talaga raw hinuhusgahan na ngayon ng mga tao ang mga inuub0 at sinisip0n lalo na sa mga nasa pampublikong lugar.

Panoorin ang pagbabalitang ito ni Mike Enriquez:

Coronavirus mike enriquez ?

Posted by Jhayvee Lhatina on Wednesday, January 29, 2020

Loading…