Expectation vs. reality: Lalaki, ibinahagi ang ‘fail’ na order sa online shop

Imahe mula sa Facebook | Kevin Que
  • Pinag-uusapan ngayon sa social media ang ‘expectation versus reality’ ng order ng isang lalaki sa isang online shop
  • Kahit kasi XXL na ang size ng inorder na hoodie ay bitin pa rin ito sa kaniya
  • Naaliw naman ang netizens sa pagbabahagi niyang ito

Marami ang nahuhumaling ngayon sa online shopping. Sa halip kasi na sumuong sa matinding traffic patungo sa mall ay gumagamit na lang sila ng online shopping apps. Ngunit kung may magagandang dulot ang mga apps na ito ay mayroon ding mga hindi maganda.

Imahe mula sa Facebook | Kevin Que

Isa ang netizen na si Kevin Que na nakaranas ng hindi maganda. Nag-order kasi siya ng dilaw na hoodie sa Shopee, ngunit kahit XXL na ang size na pinili niya ay maliit pa rin ang dumating sa kaniya.

“Hoy, Shopee, mag-usap nga tayo! Pang langgam ba itong XXL ninyo,” saad niya sa kaniyang post. “Mukha akong Winnie the Pooh dito oh.”

Nagbahagi rin siya ng larawan ng kaniyang order details kung saan ay makikita na isang itim at isang dilaw na “Hoodie fashion jacket” na P143 ang isa. Sa isa pang larawan, makikitang suot niya ang hoodie na maliit at bitin sa kaniya.

Maraming netizens ang natawa sa kaniyang karanasan at ngayon ay may 11k reactions at 17k shares na ang kaniyang post.

Imahe mula sa Facebook | Kevin Que

Ang ilang netizens, sumang-ayon kay Kevin na nag ala-Winnie the Pooh siya sa hoodie na iyon. “Selfie muna bago kumain ng honey,” biro ni J. Nunez.

Kaniya-kaniyang haka haka naman ang ilan tungkol sa size ng jacket. Ayon sa isa, ang ibig sabihin daw ng XXL ay “extra extra liit.”

Sabi naman ni H. Baluyut, pang bata umano ang XXL na hoodie na iyon. Samantala, sabi naman ni Elyza, pang babae raw ang hoodie na iyon. Minsan daw kasi ay hindi nililinaw ng mga online shops kung pang lalaki o babae ang sizes na kanilang inilalagay.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may netizen na nagbahagi ng “expection versus reality” sa online shopping dahil bukod sa item description ay larawan lamang ang kanilang pinagbabasehan.

Source :

Facebook

Loading…