Expectation vs. reality ng netizen pagdating sa pag-aalaga ng aso, kinaaliwan sa socmed

  • Kinaaliwan online ang “expectation versus reality” na ibinahagi ng isang netizen pagdating sa pag-aalaga ng aso
  • Ayon dito, ninais niya noong magkaroon ng aso upang may magbantay sa kanilang bahay ngunit ngayon ay siya na ang naging tagapagbantay nito
  • Marami namang netizens ang naka-relate sa post kaya agad itong nag-viral sa social media

Agaw-pansin sa social media ang post ng isang netizen tungkol sa sariling bersiyon “expectation versus reality” pagdating sa pag-aalaga ng aso.

Imahe mula kay Wilfredo Duque | Facebook

Sa post na ibinahagi ng netizen na kinilalang si Wilfredo Duque sa Facebook noong February 18, makikita ang larawan nito habang nagpapahinga sa sariling tahanan kasama ang kaniyang mga alagang aso.

Ipinahayag nito sa nakaaaliw na paraan kung paaano naiba ang sitwasyon niya sa inaasahan sanang pangyayari simula nang mag-alaga sila ng aso.

“Bumili kami ng aso para magbantay sa bahay. Ngayon, iniwan nila ako para magbantay ng aso. Huhu,” ani Wilfredo sa post.

Kahit naman naiwan ang netizen sa kanilang bahay, masaya pa rin itong ngumiti sa larawan kasama ang kaniyang dalawang alagang shih tzu.

Kinaaliwan rin ng maraming netizens ang post lalo na ang mga dog lover na hindi magawang iwan mag-isa sa bahay ang kanilang mga itinuturing na “bestfriend.” Naka-relate sila sa situwasyon ni Wilfredo dahil sila ang nagiging bantay ng kanilang aso sa halip na sila ang binabantayan ng mga ito.

“Hahaha we feel you, manong. Akala rin namin kami babantayan [ng aso] ‘yun pala kami magbabantay. Hahaha,” natatawang sabi ni KA.

“Sobrang dami kong tawa dito. Bakit nga kaya ganun?” pagtataka rin ni ROP.

Imahe mula kay Wilfredo Duque | Facebook

“Minsan iniisip ko rin po sino ang amo sa amin ng aming aso. Papakainin mo. Papaliguan mo. Papacheck up mo. Tapos iwo-walking mo. Aba ubos na oras eh,” pahayag ni DBRB.

“Tawang-tawa ako kasi noong nagswimming sila mama naiwan ako para may bantay si Kimchi,” pag-alala naman ni JA sa sariling karanasan.

Sa kasalukuyan ay umani na ang naturang post ng higit 44,000 reactions sa Facebook. Mayroon na rin itong lagpas 45,000 shares sa social media.

Ikaw, relate ka rin ba?  LOL

Source :

Facebook

Loading…