Fans pinagsabihang huwag salubungin ang mga K-pop idols sa NAIA

  • Mga fans ng K-pop groups pinagsabihang huwag salubungin sa airport ang mga idolo
  • Ang K-pop groups na Seventeen at NCT Dream ay nakatakdang mag-concert sa bansa ngayong buwan
  • Ang panawagan ay kaugnay ng mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng nCoV

Nanawagan ang mga tagapamahala ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga tagahanga ng Korean pop groups na nakatakdang mag-concert sa bansa na huwag silang salubungin sa airport.

Imahe mula sa SCMP

Umapela ang Manila International Airport Authority (MIAA) noong Huwebes, ika-6 ng Pebrero, sa mga fans ng K-pop groups na iwasan na ang pagpunta sa NAIA para lang salubungin ang mga hinahangaang Korean idols.

Ang panawagan ng MIAA ay kaugnay ng mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng 2019 novel coronavirus (nCoV) sa bansa.

“It’s not because Naia is contaminated but because we all should prioritize our health in times like these,” ayon kay Manila International Airport Authority public affairs chief Connie Bungag.

Dalawang K-pop groups – ang Seventeen at NCT Dream – ang nakatakdang mag-concert sa Maynila ngayong buwan ng Pebrero. Ang concert ng Seventeen ay sa Sabado na,ika-8 ng Pebrero, na gaganapin sa SM Mall of Asia.

Ang concert naman ng NCT Dream ay sa ika-29 ng Pebrero nagagawin sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

Imahe mula sa Hello K-pop

Kaugnay pa rin ng pag-iingat laban sa nCoV, isa pang advisory ang inilabas ng MIAA. Sinabi nito na dapat sundin ng publiko ang payo ng Department of Health na iwasan ang mga matataong lugar, kabilang na dito ang mga paliparan.

Hinimok ng MIAA publiko na kung may kaanak na ihahatid o susunduin sa airport ay iwasan ang pagsasama ng marami lalo na ng mga bata at matatanda. Mahirap man daw baguhin ang tradisyong nakasanayan na, pero sa mga ganitong panahon ay dapat unahin ng mga tao ang kanilang kaligtasan.

“Let us say our goodbyes at home and not go to the airport in groups when meeting a passenger. It is very hard to fight tradition, but in times like this, everyone should look out for their own safety, ” panawagan ni MIAA manager Ed Monreal.

Imahe mula sa MIAA
Source :

Inquirer, Tribune

Loading…