Fashionista! Netizen mayroong suhestiyon sa disenyo ng mga bagong uniporme ng mga guro at DepEd officials

  • Naghahanap ang Department of Education (DepEd) ng bagong design ng uniporme ng kanilang mga guro at kawani
  • Isang netizen naman ang nagbigay ng kanyang designs at ibinahagi sa kanyang social media account
  • Agad naman itong nag-viral sa social media dahil sa mga disenyong pang-fashionista at talaga namang moderno kumpara sa mga kasalukuyang uniporme

Kamakailan ay naglabas ng panawagan ang Department of Education (DepEd) sa mga nais magbigay ng kanilang disenyo para sa magiging bagong uniporme ng kanilang mga guro at empleyado. Hinihikayat nila ang mga interasado na personal na ipasa ang kanilang mga disenyo sa DepEd Central Office sa Pasig City.

Kumasa naman ang isang netizen sa panawagan ng DepEd. Hindi nga lang niya ipinasa ang kanyang mga disenyo sa DepEd office ngunit in-upload sa kanyang social media account. Ibinahagi ni Manuelito Montoya ang kanyang mga pang-fashionista at level up design ng uniporme ng mga guro at DepEd officials.

Larawan mula sa Facebook post ni Manuelito Montoya

Makikita sa kanyang Facebook post ang kanyang tila pang-Miss Universe na disenyo sa mga uniporme ng guro, principal, at iba pang DepEd employees. Lahat ng mga disenyo niya ay talaga namang moderno ang dating at hindi ang pangkaraniwang uniporme na makikita natin sa mga eskwelahan.

Pasok sa panlasa ng ilang netizens ang kanyang stylish and chic designs para sa Monday, Tuesday, at Friday uniforms ng mga guro. Kulay pink at blue ang pang-Monday at Tuesday habang ang pang-Biyernes naman ay kulay pink na puwedeng-puwede na ring irampa ng mga guro. Sabi nga ng isang nagkomento, puwede nang suotin sa mga espesyal na okasyon ang damit dahil sa disenyo tulad ng moving up at graduation.

Siyempre, hindi naman pakakabog si Madam Principal na pang-long gown ang design ng uniporme. Tila inspired ito ng lava gown ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa color scheme. Bongga rin ang skirt ng gown na animo’y isang royalty ng palasyo ang magsusuot.

Pang-national costume naman ang peg ng disenyo ng suggested uniform ni Manuelito para sa mga district supervisors. May headdress pa ito na lalong nagpasosyal at nagpa-class sa uniform. Isang red dress naman ang suhestiyon ni Manuelito sa mga canteen manager.

Larawan mula sa Facebook post ni Manuelito Montoya

Mayroon ding gown, este uniform designs, para sa iba pang DepEd officials tulad ng DepEd secretary, SEPS, PE teachers, EPS, ASDS, SDS, at DepEd clerk. Viral naman agad ang post na mayroon nang 25,000 reactions, 6,700 comments, at 33,000 shares.

Batid naman ng mga guro na pawang katuwaan lamang ang suhestiyon ni Manuelito para sa kanilang mga bagong uniporme. Kaya naman masaya rin silang nagbahagi ng kanilang komento sa mga disenyo. Kanya-kanya rin silang pili ng designs na paborito nila at mga designs na parang hindi nila kering isuot.

Loading…