Fast food resto, pinagbigyan ang hiling ng customer na makatanggap ng sweet note kasama ng kaniyang order

  • Game na game na sinunod ng Jollibee ang ‘special instruction’ ng kanilang customer
  • Sa post ni Patrick Dee, sinabi nito na hiniling niya sa fast food company na makatanggap sana ng sweet note kasama ng kaniyang in-order na pagkain
  • Kinaaliwan naman niya nang makitang pinagbigyan siya at nagsulat ng note na naglalaman ng kaniyang request

Tila nagsimula na nga ang buwan ng pag-ibig para sa isang netizen matapos nitong makatanggap ng sweet message kasama ng pagkain na kaniyang in-order online mula sa isang kilalang fast food restaurant

Imahe mula kay Patrick Dee | Facebook

Sa Facebook noong February 1, game na game na pinagbigyan ng Jollibee ang ‘special instruction’ ng kanilang customer na um-order ng pagkain online.

“I ordered breakfast sa Jollibee for delivery. Then, bored ako so naglagay ako ng something sa special instruction,” kuwento ng netizen na si Patrick Dee.

Sa larawan na kaniyang ibinahagi, makikita ang pabirong hiling ni Patrick na mabigyan rin sana siya ng sweet note kasama ng kaniyang in-order.

Hindi naman nito inakala na tutuparin pala ng fast food restaurant ang kaniyang request na labis namang niyang ikinatuwa.

Sa sunod na litratong ibinahagi ni Patrick, makikita ang kaniyang order na may kasamang maliit na papel na may nakasulat na, “Good morning! Pakabusog ka, baby!”

“Tawang-tawa ako sineryoso nila! Feeling ko may jowa na ako! Hahaha! Thank you, Jollibee!” natatawang sabi ng netizen sa kaniyang post.

Nagdala rin ng good vibes ang viral post ni Patrick sa social media. Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang reaksiyon sa comment section tungkol sa isinakatuparang ‘special request’ ng Jollibee mula sa kanilang customer.

Imahe mula kay Patrick Dee | Facebook

“Wish granted,” sabi ni FRC matapos makita ang post ng kaibigan.

“Pat, sa office ko naman please. Para naman maging special rin ang morning ko,” pabirong sabi ng kaibigan ni Patrick na si OAS.

“Kuya, parang nakakatawa na malungkot naman iyan. Hahaha,” ayon naman kay JM.

Sa kasalukuyan ay umani na ang post ng higit 60,000 reactions. Mayroon na rin itong higit 47,000 shares sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…