Finals act ni Hans sa AGT: The Champions binigyan ni Simon Cowell ng “X”

  • German entertainer na si Hans binigyan ni Simon Cowell ng “X” sa finals performance
  • Sinabi ni Simon Cowell na isang “torture” ang act ni Hans
  • Ang desisyon kung sino ang mananalo sa AGT: The Champions final round ay nasa mga kamay ng misteryosong AGT superfans

Hindi nagkamali ang maraming viewers ng America’s Got Talent: The Champions (AGT: The Champions) sa sinabi nila tungkol sa German entertainer na si Hans na hindi pang championship level ang talento niya.

Screenshot mula sa video ng AGT: The Champions

Entertaining at kwela si Hans subalit ang kanyang performance ay hindi maihahambing sa mga napakahuhusay niyang mga katunggali sa nasabing talent show kabilang ang Pinoy singing idol na si Marcelito Pomoy.

Binigyan ni Simon Cowell ng “X” ang performance ni Hans sa final round ng contest kung saan muli siyang nagsayaw kasama ang ilang back up dancers sa saliw ng kantang “Let’s Get Loud” ni Jennifer Lopez.

Habang ang mga audience at dalawang judge na babae – si Heidi Klum at Alesha Dixon – ay nag-eenjoy sa pagtatanghal ni Hans, pinindot ni Simon ang  red “X” button na nagpapahiwatig na hindi niya nagustuhan ang act ng German entertainer at nais na niya itong agad ipahinto.

Ani Simon, isang “torture” daw ang act ni Hans.

“Without being rude, I like the song that was assigned but honestly this was torture,” ani Simon.

Screenshot mula sa video ng AGT: The Champions

Sinagot naman ito ni Hans at sinabi sa mga fans na “The good thing about tonight is it doesn’t matter what he thinks because it’s for the fans.”

Sa puntong iyon ay tama naman si Hans dahil walang sinuman sa apat na judges ang may kapangyarihang pumili kung sino ang magiging champion sa contest. Ang desisyon ay nasa mga kamay ng misteryosong AGT superfans mula sa 50 States ng America.

Bago bumaba ng stage, nanawagan si Hans sa superfans na siya ang iboto. Iclick ang imahe para mapanood ang video.

Screenshot mula sa video ng AGT: The Champions

Loading…