Ghosting, may hindi magandang epekto sa kalusugan, ayon sa eksperto

Imahe mula sa Pixabay
  • Ghosting ang tawag ng mga kabataan sa mga nagpaasa sa kanila ngunit bigla na lamang silang iniwan
  • Ayon sa isang cultural analyst, nangyayari raw ito dahil sa hindi pagiging prangka ng mga Pilipino
  • Ngunit babala ng isang psychologist, maaari itong makaapekto sa mental health ng isang tao

Ang “ghosting” ay ang terminilohiya ng mga kabataan para sa mga almost lovers na bigla na lamang naglalahong parang multo.

Imahe mula sa Pixabay

Ayon sa Urban Dictionary, ang ghosting ay nangyayari kapag bigla na lamang pinuputol ng isang tao ang komunikasyon “with zero warning or notice before hand. You’ll mostly see them avoiding friend’s phone calls, social media, and avoiding them in public.”

Sa ulat ng GMA News, nakapanayam nila si Sienna Calanog na nabiktima ng ghosting ng kaniyang fiancé. Kuwento niya, mala-fairy tale na sana ang kanilang love story matapos mag-propose ng boyfriend sa New York City. Kaya lamang, bigla na lamang itong hindi nagparamdam.

“After that, wala nang kasunod. Ni ha, ni ho, wala akong narinig. I tried to reach him sa lahat ng paraan na magagawa ko. [Through] e-mail, social media, [pero] binlock niya ako,” kuwento niya. “Akala ko lang nag so-soul searching siya, pero ginhosting pala ako.”

Makalipas ang ilang buwan, doon na lamang niya nalaman na may iba na pala ang lalaking inakalang pakakasalan siya.

Ang tricycle driver naman na si Norlen Samson, pinipili na lamang na hindi na magparamdam kapag ayaw na niya sa karelasyon. “Kahit magtext, hinahayaan ko na lang siya. Kumbaga, bahala na. Kung harap-harapan [kasi], makikita ko pang umiiyak yung babae, ‘yun ‘di ko na makikita,” paliwanag niya.

Sabi ng cultural analyst na si Prof. Jimmuel Naval sa GMA News, nangyayari ang ghosting dahil sa hindi pagiging prangka ng mga Pilipino. “Ayaw nating makasakit ng tao kaya iniipon na lang natin, itinatago na lang natin. Gusto mo na lang mag-disappear,” paliwanag niya.

Imahe mula sa Pixabay

Ngunit ang ugaling ito ay maaari raw makapagdulot ng hindi magandang epekto sa mental health ng mga gino-ghost.

Sabi ng psychologist na si Dr. Estrella Magno, maaari raw itong maging sanhi ng depresy0n. “Depressi0n will set in, the helplessness, the hopelessness. Bakit ako iniwan? Wala ba akong kuwenta? Bakit? Okay naman ako ah. Sinisisi niya ‘yung sarili niya,” sabi ni Magno.

Ayon pa sa kaniya, maaaring may kinalaman ito sa pagpapalaki ng mga magulang. “Batang-bata ang isip. As I said, very immature. Maybe the parents were absent not only physically but emotionally, psychologically,” sabi niya.

Upang maiwasan daw ito, dapat ay tingnan ang mga warning signs.

“Lahat ng mga babae tinitignan, lahat ng bago, thrilled siya to be aware of. Tapos alam mo na anything new is exciting for him, alam mo na, you have to be careful,” babala niya.

Loading…