Ginalingan! Beatbox kid nagpahanga sa isang pamilihan; ginagamit ang talento para makatulong sa magulang

  • Viral ngayon ang video ng isang batang nagpamalas ng husay sa pagbe-beatbox
  • Pinasayaw ng batang si Joshua Inda ang mga mamimili sa isang mall sa mga tunog na gawa ng kanyang bibig
  • Ayon sa uploader, madalas magtanghal ang bata sa ilang bar upang kumita ng pera para sa kanyang pamilya

Kamakailan ay nag-viral, hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi maging sa buong mundo, ang video ng kababayan nating si Carl Montecido dahil sa mahusay na pag-awit nito ng kanta ni Sam Smith na “Too Good at Goodbyes.” Napansin siya ng mga international stars at inimbitahan pang magtanghal sa talk show na Ellen.

Ngayon naman, hindi isang singer ang nagpamangha sa mga netizens. Sa pagkakataong ito, isang beatboxer ang nagpaindak sa mga customer ng isang sikat na pamilihan sa GMA, Cavite.

In-upload ng netizen na si Alvhert Rhenzce Padua Dinglasan ang video ng isang 13-anyos na batang lalaki na nagpapamalas ng kanyang husay sa pagbe-beatbox.

Larawan mula sa Facebook video ni Alvhert Rhenzce Padua Dinglasan

Tumagal lamang ng halos tatlong minuto ang video ng batang si Joshua Inda. Tanging ang bata lamang ang gumagawa ng tunog mula sa kanyang bibig ngunit animo’y mayroong machine na nagbibigay ng tunog sa buong pamilihan.

Nakamamangha ang talento ng bata dahil katunog ito ng mga beatbox performances ng ilang mga kilalang pangalan na nagtatanghal na sa national at international competitions. Talaga namang mapapasayaw ka sa tunog na ginagawa ng bata na katulad na katulad ng tunog ng mga sikat na tugtugin ngayon.

Ngunit maliban sa kakaibang talento ng bata, mas nakamamangha ang kuwento nito. Ayon kay Alvhert, bago ma-videohan sa pamilihan, nakikita na niya ang bata na nagtatanghal sa isang bar. Nagpe-perform daw ito doon upang kumita ng pera para sa kanilang pangangailangan sa araw-araw.

“Siya si Joshua Inda, 13 years old. Una ko siya nakita at napanood sa isang resto bar dito sa GMA, Cavite at talagang nagalingan ako sa batang ito. Nung nakausap ko siya, every night pala siya nagpupunta sa mga bar doon para mag-perform at humingi ng kaunting barya para pang gastos nila araw-araw dahil sa kahirapan at kakulangan sa financial,” pahayag ni Alvhert.

Larawan mula sa Facebook video ni Alvhert Rhenzce Padua Dinglasan

Agad namang nag-viral sa Facebook ang video ng bata at maraming netizens ang natuwa rito. Mayroon nang 4,400 reactions, 4,100 shares, at 67,000 views ang video nito. Nagpaabot naman sila ng paghanga sa bata, hindi lamang dahil sa talento nito, kung hindi sa pagiging responsible nito.

“Nice naman! Continue your amazing talent… keep it up…” pahayag ng isang netizen at ngayon ay fan na ni Joshua.

Panoorin ang nakamamanghang performance ni Joshua the beatboxer:

Very Amaze and Proud to this Little Boy for his unique Talent dahil sya pa lang yata yung nakita ko at narinig kong bata na magaling sa BeatBox sounds., Sya si Joshua Inda 13years Old, Una ko sya nakita at napanuod sa isang Resto Bar dito sa GMA, Cavite at talagang nagalingan ako sa batang to, nung nakausap ko sya evry night pla sya nagpupunta sa mga Bar doon para magperform at humingi ng kaunting Barya para sa pang gastos nila araw araw dahil sa kahirapan at kakulangan sa financial. nakakatouch lang kc sa murang edad nya nagagawa nya ng gumawa ng paraan para makaraos sa pang araw araw nila gamit ang talentong binigay sa kanya ng diyos..,Keep it Up Little Boy??Please Like and Share po salamat???

Posted by Alvhert Rhenzce Padua Dinglasan on Wednesday, February 26, 2020

Loading…