Ginang na kahawig ng dating bokalista ng bandang IV of Spades, kinaaliwan online

  • Kinaaliwan sa social media ang larawan ng ginang na kahawig ng dating bokalista ng bandang IV of Spades
  • Tila itinulad ang porma at hairstyle nito kay Unique Salonga na ngayon ay solo artist na
  • Agad namang nag-viral ang larawan at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens

Viral sa social media ang larawan ng isang ginang na kahawig ng porma ng dating bokalista ng bandang IV of Spades.

Imahe mula kay Cedric Hernandez Goldberg | Facebook

Sa ibinahaging larawan ng netizen na nagngangalang Cedric Hernandez Goldberg sa Facebook noong January 30, makikita ang larawan ng isang ginang na halos kapareho ng porma ng isang kilalang mang-aawit.

“Si nanay parang type ng taong iiwan yung banda, then magso-solo artist,” pabirong sabi ng netizen sa caption.

Hindi man direktang sinabi ng netizen, kapansin-pansin naman na tila itinulad ang hairstyle ng ginang kay Unqiue Salonga na ngayon ay solo artist na.

Nakadagdag rin ang pagsuot ng ginang ng salamin na halos kapareho ng pormahan ng dating bokalista. Marami ring netizens ang agad na nahulaan kung sino at anong banda ang may kaparehong pangyayari tulad ng nasa post.

“Kamukha siya ng aking sinta ikaw na ang tahanan at mundo,” ani CL na isinulat pa ang lyrics ng awiting unang nagpasikat sa banda.

“Hahaha! T*ina, ang sakit! Kumakain pa naman ako noong makita ko ‘to,” sabi naman ng isang Facebook user.

“Lola unique,” bansag ni JM sa ginang matapos makita ang larawan nito sa Facebook, at pabirong tanong naman ni AJ,  “Nay nagsolo artist ka no?”

Imahe mula kay Cedric Hernandez Goldberg | Facebook

Bagama’t marami ang nakaalala sa malungkot na pag-alis ng lead vocalist na si Unique sa dati nitong bandang IV of Spades, nagdulot naman ng good vibes ang larawan ng ginang na kahawig nya.

Viral na rin ang larawan na umani nang higit 31,000 reactions at higit 35,000 shares sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…