Good Samaritan nagbigay ng face mask sa lolang umiiyak dahil hindi ito nakabili pagkat kulang ang pera

  • Video ng isang lola na umiiyak dahil hindi nakabili ng face mask, nag-viral
  • Kulang umano ang pera ng matanda dahil tumaas na ang presyo ng face mask sa mga tindahan
  • Isang Good Samaritan ang nagbigay ng kanyang extra face mask sa matanda

Viral sa social media ang video ng isang lola na nakitang umiiyak at pilit na tinatakpan ng suot niyang jacket ang bibig at ilong dahil wala siyang face mask.

Screenshot mula sa video ni @kyuju32810 via Twitter

Batay sa Twitter post ng isang netizen na nakikilalang si @kyuju32810, naiyak ang matandang babae mula sa China dahil hindi ito nakabili ng face mask matapos itaas ng ilang tindahan ang presyo nito sa gitna ng pagkalat ng nakahahawang novel coronavirus (nCoV).

“When the old lady started crying because she couldn’t find a mask… my heart broke. It’s so sad that during this time of crisis, there’re people who sell masks at high prices to gain personal profits or hoard tons of it…” post ng netizen.

Sa kabila ng pangamba, walang nagawa ang matanda kundi sumakay ng bus pauwi sa kanila sa pag-asang mayroong mga anghel na magbibigay ng proteksyon sa kanya laban sa mabilis na kumakalat na nCoV.

Hindi na kinailangan pang lumayo ng lola para mahanap ang anghel na po-protekta sa kanya. Isang lalaking hindi nakilala ang lumapit sa kanya matapos siyang makitang lumuluha. Nang malaman nito ang sitwasyon ng matanda, hindi umano ito nagdalawang-isip na ialok ang isang face mask.

Screenshot mula sa video ni @kyuju32810 via Twitter

Hindi na inalinta ng lalaki na posibleng kapusin siya ng face mask dahil nagkakaubusan na nito sa mga tindahan dahil sa panic buying. Ang mahalaga sa kanya ay mabigyan ng proteksyon ang matanda.

Batay sa isa pang tweet ni @kyuju32810, ang Good Samaritan ay isang “officer” (hindi malinaw kung officer ng pulisya o militar).

Screenshot mula sa video ni @kyuju32810 via Twitter

“I listened to the dialogue again and realized the officer actually gave her his own masks he brought from home.”

“So sweet of the officer,” ayon naman sa isa pang netizen.

May mahigit 1,200,000 views na ang video at nare-tweet na ito ng mahigit 52,000 times.

Source :

Twitter

Loading…