Grab driver, nagbibigay ng libreng sakay para sa PWDs

Imahe mula sa Facebook | Sei Gorospe
  • Ikinatuwa ng netizens ang pagbibigay ng libreng sakay ng isang Grab driver para sa mga persons with disability (PWDs)
  • Ginagawa niya raw ito bilang pasasalamat matapos gumaling ang kaniyang anak na may karamdaman
  • Nakalikom daw kasi sila ng P300k para sa 0perasyon nito noon

Kinagiliwan ng netizens ang isang Grab driver na nagbibigay ng libreng sakay para sa persons with disability (PWDs).

Imahe mula sa Facebook | Sei Gorospe

Ibinahagi ng netizen na si Sei Gorospe ang kaniyang karanasan nang masakyan niya ang isang Grab na may nakapaskil na note na nagsasabing “Kung ikaw na nag-book ay isang PWD at may PWD I.D. kang dala, libre ka.”

Napaisip daw si Sei kung may ganitong policy talaga ang kompanya kaya nagtanong siya sa driver. “Sabi niya sa kaniya lang daw yun. Tinanong ko ang reason bakit may ganoon siyang promo para sa mga PWD,” saad niya sa post.

Dito na niya nalaman ang malalim na dahilan ng Grab driver, “Dahil pala sa anak niya. Nine months old noong na-diagnose ng congenital disease anak niya at kailangang ma0perahan,” sabi ni Sei.

Umabot daw sa P300k ang kinailangan nilang gastusin para rito ngunit malaki ang kaniyang pasasalamat dahil nabuo nila ito at naging matagumpay ang 0perasyon sa kaniyang anak.

Imahe mula sa Facebook | Sei Gorospe

“Ngayon ay five years old na ang anak niya and healthy na. Blessed siya kaya ibinabalik lang din daw niya sa mga nangangailangan,” kuwento ni Sei. “Three years na siyang Grab driver and sobrang na-bless ako sa story niya kaya gusto kong i-share sa inyong lahat.”

Natuwa naman ang netizens sa ginawang ito ng Grab driver.

Sabi ni Cristina R, “I really appreciate that gesture kasi not everyone is kind enough to offer help. My hubby is a PWD but never did we encounter such generous soul to PWDs. Kudos to Kuya Grab driver. God bless him more.”

Dagdag pa ni Sei, sana raw ay maging  inspirasyon ito upang maging blessing ang mga tao sa sinumang makasasalamuha nila sa araw-araw.

Source :

Facebook

Loading…