Guro, pinayuhang mag-face mask ang klase; “ibang mask” ang isinuot

  • Itinampok ng isang guro ang kaniyang “masunuring” advisory class
  • Pinayuhan niya kasi ang mga ito na magsuot ng face mask bilang proteksyon sa 2019 Novel Coronavirus
  • Hindi naman niya akalaing ibang “masks” ang susuutin ng mga ito, bagay na nagdulot ng saya sa social media

Sa banta ng 2019 Novel Coronavirus outbreak, marami sa mga produktong tila “dinededma” lamang at hindi pinapansin noon ang naging biglang in–demand at halos pinagmumulan ng tensyon dahil nagkakaubusan na. Nariyan ang alcohol, sanitary gel, disinfectant, at face masks. Makatutulong umano ito upang maiwasan ang pag–atake ng virus at iba pang sakit sa katawan ng tao.

Ipinapayo na sa lahat na palagiang magsuot ng kahit na anong face mask, mapa–N95, surgical, o washable mask lalo na sa matataong mga lugar tulad ng kalsada, mga pampublikong sasakyan, simbahan, mall, at maging sa mga paaralan. Kaya naman, ibinahagi ng isang gurong nagngangalang “Gilbert Bugarin” sa kaniyang Facebook post ang larawan ng kaniyang mga estudyante na imbes na face mask ang isinuot, ibang “mask” ang dinala ng mga ito: literal na maskarang puti!

Imahe mula sa Facebook account ni Gilbert Bugarin

Ayon sa kaniyang caption, “Para makaiwas sa NCoV, I advised my students to wear mask. Pero parang may mali… HAHAHA.”

Makikita sa larawan na buong mag–aaral sa advisory class ni Sir Gilbert ay nakasuot ng puting maskara, kahalintulad ng maskarang isinusuot ng sumikat na dance group na “Jabbawockeez”.

Good vibes naman ang hatid nito sa mga netizens. Sabi ng isa, “Baka naman tama ‘yan sir.. Mas maganda nga po kasi hindi lang ilong at bibig ang cover.”

“Hahaha, kakatuwa naman. Lahat sila sabay–sabay na bumili ng maskara tapos iyan ang inilagay nila sa mukha nila. Hahahaha. Sa panahon ngayong sunod–sunod ang mga seryosong usapin, kailangan din muna nating tumawa para naman kahit paano, malimutan ang problema at may lakas na muli itong harapin,” turan naman ng isa.

Komento naman ng isa, “Ewan ko na lang kung madapuan pa sila ng coronavirus na iyan hahahaha.”

Samantala, dahil itinuturing na ngang international health emergency ang 2019–NCov, ipinapayo na ang pagsusuot ng mga face mask lalo na sa mga pampublikong lugar.

Imahe mula sa Facebook account ni Gilbert Bugarin/Public Domain Image
Source :

Facebook

Loading…