Hamon sa ABS-CBN: Gawing regular ang 11,000 empleyado

  • Hinamon ng isang mambabatas ang ABS-CBN na gawin nitong regular ang 11,00  empleyado
  • Dapat daw na patunayan ng Lopez-led corporation na totoong nagsisilbi ito sa mga Pilipino, hamon ni ACT-CIS Rep. Eric Go Yap
  • Hinamon din ni Rep. Yap na bayaran ng ABS-CBN ang back pay at benepisyo ng 120 employees na ilegal umanong pinatalsik sa trabaho noong 2010

Isang mambabatas ang humamon sa giant TV network na ABS-CBN na gawin nitong regular ang 11,000 nitong mga empleyado upang mas maging makatotohanan umano ang motto nito na “In the service of the Filipino.”

Imahe mula sa Wikimapia

Dapat daw na patunayan ng Lopez-led corporation na totoong nagsisilbi ito sa mga Pilipino at pinangangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga trabahador, hamon ni ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap.

Napag-alaman na karamihan sa mga naturang empleyado ay pawang contractual lang ang katayuan sa kumpanya.

Ang pahayag ni Rep. Yap, ang congressman caretaker ng Benguet, ay kasunod ng kinahaharap ng ABS-CBN hinggil sa prangkisa nito na mawawalan na ng bisa sa katapusan ng buwan ng Marso ngayong taong kasalukuyan at sa quo warranto petition laban sa TV network na isinampa ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema.

Bukod sa pagre-regular sa mga empleyado, isa pang hamon ang binitiwan ni Congressman Yap sa ABS-CBN.

Dapat, aniya, na bayaran ng ABS-CBN ang back pay at iba pang mga benepisyo ng 120 employees na ilegal umanong pinatalsik sa trabaho noong taong 2010. Ang mga nasibak na manggagawa ay patuloy pang nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan.

Imahe mula sa ABS-CBN

Kung magagawa raw ng ABS-CBN ang kanyang mga binitiwang hamon, iginiit ni Cong. Yap na tiyak na magsusunuran ang iba pang mga malalaking kumpanya sa halimbawang maipapakita nito na sigurado raw na sa bandang huli ay ang mamamayang Pilipino ang panalo.

Imahe mula sa Facebook account ni Rep. Eric Go Yap

Loading…