Hangin sa Pilipinas hindi ligtas, ayon sa IQAir

Imahe mula sa Pixabay
  • Hindi raw ligtas ang hangin sa Pilipinas, ayon sa ulat ng IQAir
  • May 17 ug/m3 raw ng PM2.5, ang pollutant na mapanganib sa kalusugan, sa bansa
  • Pang-57 ang Pilipinas sa listahan ng may pinakadelikadong hangin sa mundo

Marumi at hindi raw ligtas ang hangin sa Pilipinas, ayon sa isang ulat.

Sa pag-aaral na inilathala ng 2019 World Air Quality ng IQAir, sinabi nila na may 17 ug/m3 ng PM2.5 ang Pilipinas. Ang PM2.5 daw ay “ambient airborne particles” na may may sukat na 2.5 microns.

Imahe mula sa IQAir

“This report focuses on PM2.5 concentrations, as this is the pollutant widely regarded as most harmful to human health. Its microscopic size allows the particles to enter the bl0od stream via the respiratory system and travel throughout the body, causing far-reaching health effects, including asthma, lung cancer, and heart disease,” ayon sa ulat.

Sabi ng World Health Organization (WHO), wala raw level ng exposure sa PM2.5 ang ligtas ngunit 10 ug/m3 raw dapat ang annual mean exposure threshold upang mabawasan ang panganib sa kalusugan.

Sa buong mundo, pang-57 ang Pilipinas sa may pinakadelikadong hangin. Nanguna rito ang Bangladesh na may 83.3 ug/m3. Sinundan ito ng Pakistan (65.8), Mongolia (62.0), Afghanistan (58.8), at India (58.1).

Samantala, apat sa 15 pinakamalinis na lungsod sa Southeast Asia ay matatagpuan sa Pilipinas. Nanguna rito ang Calamba. Pangatlo naman ang Carmona, pang-sampu ang Legazpi, at pang-11 ang Balanga.

Imahe mula sa IQAir

“Southeast Asia’s emission sources include vehicle exhaust, biomass burning, industry and coal-based energy production. Rapid growth and development often exacerbates air quality conditions in metropolitan areas, as construction and increased energy consumption result in increased ambient PM2.5,” sabi nila.

Nagbigay rin ang ulat ng ilang mga payo kung paano mababawasan ang polusyon.

“Personal choices such as choosing cleaner modes of transport (cycling, walking, public transport where available), reducing personal energy usage and waste, contributing to increased local awareness, and supporting local air quality initiatives can all contribute to healthier air in our communities and on our planet,” sabi nila.

Source :

IQAir

Loading…