Heavy traffic sa southbound ng SLEX mula Sucat patungong Alabang dahil sa Skyway extension project

  • Mabigat na daloy ng trapiko nararanasan sa southbound ng SLEX dahil sa Skyway extension project
  • Ginawa nang one-way ang bahagi ng West Service Road sa Muntinlupa City na nagsisimula sa Alabang Hills patungo sa Alabang-Zapote Road
  • Ang mga northbound motorists na manggagaling sa Alabang patungo sa Sucat ay kailangang dumaan sa East Service Road

Nakararanas na ng pagbigat ng daloy ng trapiko ang southbound ng South Luzon Expressway (SLEX) mula sa Sucat patungong Alabang sa Muntinlupa dahil sa pagpapatuloy ng Skyway extension project.

Imahe mula sa Alabang Bulletin

Maging ang northbound ng SLEX ay nakaranas din ng mabigat na trapiko dahil sa proyekto.

Isang motorista ang nagbahagi ng naranasang heavy traffic sa northbound ng SLEX.

“Our Skyway Experience (02.17.2020). Northbound. Entered SLEX via Susana Heights Exit around 8:30am. It was bumper to bumper but it was moving. Planned to enter Skyway via the Alabang steel ramp entry. Managed to wiggle our way to get to the inner lane. Boom. The steel ramp entry was closed. Boo. Entered Skyway via the Hillsborough entry. Saw the Southbound tailend was already at Bicutan,” bahagi ng post ng motorista.

Nitong Lunes, ika-17 ng Pebrero, ay ginawa nang one-way ang bahagi ng West Service Road sa Muntinlupa City na nagsisimula sa Alabang Hills patungo sa Alabang-Zapote Road. Tanging mga southbound vehicles ang padadaanin sa bahaging ito ng nasabing kalsada.

Ang mga northbound motorists na manggagaling sa Alabang patungo sa Sucat ay kailangang dumaan sa East Service Road.

Imahe mula sa Alabang Bulletin

Samantala, ang mga bus at delivery trucks kabilang ang mga closed vans ay hindi pahihintulutang dumaan sa Skyway dahil masyado silang mabibigat para sa temporary steel ramp exit sa Alabang. Sa at-grade o ground level ng expressway lang maaaring dumaan ang mga ito.

Tatlong buwan o hanggang sa buwan ng Mayo ang itatagal ng ipinatutupad na traffic scheme.

Nauna nang humingi ng pang-unawa si San Miguel Corporation president Ramon Ang sa mga motorista na maaapektuhan ng matinding trapiko resulta ng nasabing proyekto. Aniya, ang proyekto ay para naman sa kapakinabangan ng lahat.

Imahe mula sa SOMCO

“We apologize to you. This project is for your benefit, it will solve our long-standing traffic problem on SLEX and in Alabang. Let’s give our engineers and wrkers the chance to do what they need to do to finish the project.

Layon ng konstruksyon ng Skyway Extension Project na masolusyunan ang araw-araw na pagsisikip ng trapiko sa SLEX sa bahagi ng Alabang. Inaasahang bago matapos ang taong 2020 ay makukumpleto na ang proyekto.

Loading…