Hindi pang-contest: Marcelito nag-alala sa kantang pinili ni Simon Cowell para sa kanya sa finals ng AGT

  • Marcelito nag-alala sa song choice ni Simon Cowell para sa final performance niya
  • Hindi umano pang-contest ang kantang napili ni Simon para sa kanya
  • Common na raw kasi ang mga kinakanta niya na pang-teatro sabi raw ni Simon kaya hinanapan siya ng kanta na naiiba naman

Gusto nga ba ni Simon Cowelll na hindi manalo si Marcelito Pomoy sa America’s Got Talent: The Champions (AGT: The Champions) grand finals? Pakiramdam ng mga umiidolo sa kanya ay sinasabotahe ni Simon ang tsansa niyang manalo.

Screenshot mula sa YouTube video ni Marcelito Pomoy

Ito ay matapos isiwalat ni Marcelito ang kanyang saloobin tungkol sa pinili ni Simon Cowell na kakantahin niya para sa finale ng AGT: The Champions.

Sa post niya sa YouTube na hindi na ma-access ngayon, sinabi ni Marcelito na si Simon Cowell ang pumili ng kakantahin niya. Ang gusto kasi ng hurado ay maiba naman ang presentasyon ng Pinoy singing idol sa dalawang nauna niyang performance.

Sa naturang video, sinabi niya na may napili nang kanta ang AGT para sa kanya.

“Hello mga ka-MP, I’m here again, Marcelito Pomoy. So, guys meron akong magandang balita sa inyo, na meron nang napiling kanta. Pero, sila ang pumili, hindi po ako,” simula ni Marcelito.

“Kasi kung naalala niyo ang mga comment ni Simon na ang mga kinakanta ko lagi ay pang-teatro, at gusto naman niya ay maiba naman. Meron na silang isang napili, na sabi nga nila kakaiba raw. Hopefully guys itong binigay nila sa aking kanta, ang sa’kin lang guys, maikanta ko nang maayos, nang walang palya,” dagdag pa niya.

Screenshot mula sa video ng AGT The Champions

Common na raw kasi ang mga kinakanta niya na pang-teatro sabi raw ni Simon kaya hinanapan siya ng kanta na naiiba naman.

“Itong ibinigay nila sa aking kanta, sa tingin ni Simon nababagay naman sa akin. Well, wala na akong magagawa doon kasi ‘yun ang napili niya. Eh, hindi naman sila puwedeng sumuway doon. Hindi sila puwedeng sumuway kay Simon. Kasi, lahat ng mga kanta pinaparinig muna kay Simon,” sabi pa ni Marcelito.

Hindi naman daw gaanong kataasan ang pitch ng kanta at kaya niyang kantahin ang napiling kanta para sa kanya.

“Itong kanta na ito ay sana makanta ko nang maayos. Sana magustuhan nila. Hanggang dito na lang. Salamat sa lahat. At least, nasabi ko na sa inyo ang totoo. Kung ano ang pinaka worst na mangyayari sa buhay ko ngayon. Itong kanta na, although kabisado ko naman, pero for me, hindi talaga siya pang-contest. So, ‘yun lang, salamat sa inyong lahat,” pagtatapos niya.

Screenshot mula sa video ng AGT The Champions

Narito ang ilan sa mga komento ng mga tagahanga ni Marcelito:

“Obviously Simon Cowell is setting you to fail! Obviously you’re not happy with the song choice. It’s unfair that you have to sing a song that cannot showcase your talent. I have never seen such unscrupulous show like AGT!!”

“The judges eye for Angelina Jordan. That’s it! Just do your best and enjoy!”

 “Even if you lose. You are still a winner for the whole world.”

Source :

Abante, YouTube

Loading…