Hugot ng netizen hinggil sa pagmo–move on: “Kung hindi para sa iyo, baka para sa iba”

  • Patok sa mga netizens ang “hugot” ng isang Twitter user hinggil sa pagmo–move on
  • Aniya, kung hindi para sa’yo, baka para yun sa iba
  • Dagdag pa, kung alam mong deserve mo, kunin mo, pero kung hindi talaga, intindihin mo na lang

Dapat nga bang pakawalan ang isang tao o bagay na umalis o nawala na, o dapat itong pigilan at hatakin pabalik?

“Aprub” sa mga netizens ang isang Twitter post ng nagngangalang “Date Dalipe” noong Pebrero 26, 2020 kung saan ibinulalas niya ang kaniyang “hugot” o saloobin hinggil sa pagmo–move on. Sabi niya, nasa punto na raw siya ng buhay niya na pagod na siyang magreklamo. Kumbaga sa salawikain, “Kung hindi ukol, hindi bubukol”.

Imahe mula sa Twitter account ni Date Dalipe

“Nasa point ako ng buhay ko na pagod na akong magreklamo. Whatever happened or will happen, hanapan ng paraan. Kung hindi para sayo, baka para yun sa iba. Kung alam mong deserve mo, kunin mo. Pero kung hindi talaga, intindihin mo na lang. Huwag puro bakit at what if. Go on sa next plan,” ayon sa post.

Nagustuhan naman ng mga netizens ang naturang post at nagkomento hinggil dito.

“Minsan kasi sa kagustuhan nating makuhang makuha ang mga bagay, doon tayo nagkakamali. Pinipilit natin ang isang bagay kahit hindi naman para dito. Trust God na lang and He will do the rest,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “I hate the fact na ‘Kung hindi para sa atin baka para sa iba’ Pero ganun talaga. Wala tayong magagawa kundi tanggapin iyon. Kasi alam natin na para din naman sa ikabubuti natin iyon. So, dapat next move na!”

“Trust ka sa Lord and all plans belong to us, lahat ng gagawin ay ialay sa Kanya and napaka–smooth sailing,” pahayag naman ng isa.

“Kalimutan mo lahat ng mga kasalanan niya, lahat ng galit niyo sa isa’t isa. Forgetting too doesn’t mean that you will let go of the memories you had together, it does mean that you are fully recovered from the pain already. Ipinapakita nito na kaya mo nang mag move on at kaya mo ng mag-continue sa buhay mo ulit, and hoping that they move on with theirs too,” payo naman ng isa.

Ikaw, naka–move on ka na ba?

Source :

Twitter, Facebook

Loading…