“Huwag matakot sa pagkuha ng entrance exam” – Philippine Military Academy sa mga kabataan

  • Hinihikayat ng PMA ang mga kabataan na makilahok sa entrance examination ng academy ngayong taon
  • Ang entrance examination ay gaganapin sa Agosto 2020
  • Ang PMA entrance examination ang unang hakbang sa selection process upang maging isang kadete

Hinihikayat ng Philippine Military Academy (PMA) ang mga kabataan na makilahok sa entrance examination na nakatakda sa buwan ng Agosto, taong kasalukuyan.

Imahe mula sa PMA

Inimbitahan ni PMA spokesperson Cpt. Cherryl Tindog ang lahat ng mga kabataan na handang maglingkod sa bayan.

Umaasa si Cpt. Tindog na hindi maaapektuhan ang bilang ng mga magnanais na sumubok na maging isang kadete dahil sa mga problemang kinaharap ng PMA noong nakaraang taon, kung saan tatlong kadete ang nasawi sa loob mismo ng academy – ang isa sa kanila ay dahil sa pagmamaltrato ng kapwa kadete.

Tiniyak ni Cpt. Tindog na hindi na mauulit ang kaparehong insidente.

Imahe mula sa PMA

Ang PMA entrance examination ang unang hakbang sa selection process upang maging isang kadete.

Narito ang mga qualifications at requirements upang maging PMA cadet:

  • Natural Born Filipino Citizen
  • Physically fit and of good moral character
  • Single and has never been married
  • Must pass the PMA Entrance Examination
  • No Administrative / Criminal Case

Kailangan ay High School graduate na mayroong 85% GPA. May taas na 5 feet – lalaki man o babae – at hindi lalampas sa taas na 6’4.” Edad 17, pero hindi lalampas sa edad 22 pagsapit ng reporting date na June 1, 2021.

Imahe mula sa PMA

Paraan ng  pag-apply:

Kapag bukas na ang online application, magtungo sa Cadet Application System Portal sa pamamagitan ng http://admission.pma.ph/ gamit ang isang computer na may mabilis na internet connection. Mag-sign up gamit ang valid email address. Mag-fill up ng application form at mag-upload ng scanned copies (PDF format) ng birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority at High School Form 137 o 138.

Kabilang sa entrance examination ang mga sumusunod na subjects: Algebra at Geometry; Grammar; Composition; Reading and Comprehension; Verbal Reasoning; Numerical Reasoning at Pattern Analysis.

Imahe mula sa PMA

Loading…